Boy Abunda's mother, 90, passes away

by Bernie V. Franco
Dec 2, 2019
ABS-CBN host Boy Abunda's mother, Licerna Capito Romerica Abunda or Nanay Lesing, passed away Sunday morning, December 1.
PHOTO/S: Photo from Twitter (@PWU_Manila)

Pumanaw na ang ina ni Boy Abunda na si Licerna Capito Romerica Abunda o Nanay Lesing nitong Linggo ng umaga, December 1.

Siya ay 90 taong gulang.

Magdiriwang sana si Nanay Lesing ng kanyang ika-91 kaarawan sa Bagong Taon, January 1, 2020.

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dalawang malapit na tao kay Boy, sa pamamagitan ng text messaging, at kinumpirma nila ang pagpanaw ng ina ng King of Talk.

Ayon sa text message ni Bettina Aspillaga, kaibigan at katrabaho ni Boy, complications due to pneumonia ang sanhi ng pagpanaw ng ina ng ABS-CBN host.

Nag-post din ang Philippine Women’s University (PWU) via Twitter upang magpaabot ng pakikiramay kay Boy, na isang trustee ng unibersidad.

Ayon sa tweet: “The PWU Community offers heartfelt condolences to Dr. Eugenio ‘Boy’ Abunda, PWU Trustee, on the passing away of his beloved Nanay, Licerna Romerica Abunda.”

Continue reading below ↓

Ipinost din sa Facebook ang mensahe mula sa kampo ni Boy at ng kanyang kapatid na si Maria Fe Abunda, congresswoman ng Eastern Samar, sa Facebook account ng huli nitong Lunes, December 2.

Nasa salitang Waray ang mensahe.

Binanggit dito ang kontribusyon ng ina ni Boy sa Borongan, Samar bilang isang guro at pulitiko.

Bahagi ng mensahe: “Malungkot na ipinapabatid ng magkapatid na BOY at MARIA FE, kasama ng kanilang buong pamilya, na ang ina nilang si LICERNA CAPITA ROMERICA ABUNDA, ay pumanaw na noong December 1 ng kasalukuyang taon.

“Si Mother Lesing ay nagsilbi sa gobyerno bilang isang guro, First Councilor ng bayan ng Borongan ng tatlong termino mula 1995 hanggang 2004, at Vice Mayor mula 2004 hanggang 2007.”

Continue reading below ↓

Kasalukuyang nakaburol ang mga labi ni Nanay Lesing sa Arlington Memorial Chapels sa Quezon City.

BOY ABUNDA GETS EMOTIONAL

Noong nakaraang linggo, naging emosyonal si Boy nang maging guest niya si Toni Gonzaga sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight with Boy Abunda (TWBA).

Tinanong si Toni kung ano ang isang bagay na natutunan niya sa veteran host.

Bahagi ng sagot ni Toni, natutunan niya kay Boy na maging panuntunan sa buhay kung magiging proud ba ang kanyang ina sa kanyang bawat gagawin.

Paliwanag ni Toni: “Yun ang pinakatumatak sa akin, na sa lahat ng gagawin ko lagi ko dapat iisipin, magiging proud ba yung nanay ko sa gagawin ko, sasabihin ko, ipapakita ko sa telebisyon.

“Yun ang hindi ko makakalimutan sa 'yo more than the brilliant interviews that you have done.”

Ayon pa kay Toni, higit sa husay ni Boy bilang host ay ang pagmamahal nito sa kanyang pamilya, lalung-lalo na sa kanyang ina.

Continue reading below ↓

Nakilala si Boy sa kanyang linyang “Make your nanay proud” dahil sa pagiging malapit sa nanay.

Naglabas din siya ng libro na may titulong Make Your Nanay Proud noong 2014.

Hindi naiwasan ni Boy na maging emosyonal at maluha sa sinabi ni Toni.

Binanggit niyang may pinagdadaanan siya, pero hindi nagdetalye.

Aniya, “I’m just very sensitive now because of what I’m going through, but thank you.

“Sabi ko nga, kahit makalimutan na ng lahat ang aking trabaho, for as long as people remember that I encouraged them to make their parents, their mothers proud, I’m okay.”

BOY TALKS ABOUT HIS MOM'S CONDITION

Sa birthday celebration ni Boy sa The Bottomline noong October 2019, nagbigay siya ng update tungkol sa kalagayan ng kanyang ina.

Dito ay binanggit niyang mayroong dementia ang ina.

Lahad noon ni Boy, "She’s in the hospital, she’s been in the hospital for like two weeks now.

"She’s the center of my life and I hope she’s not suffering.

Continue reading below ↓

"Yun lang naman ang gusto ko sa nanay.

"She’s turning 91 in January.

"Wag lang masaktan.

"So maraming mga procedures, maraming mga desisyon ngayon na ginagawa ang pamilya na pinag-uusapan talaga ng aking pamangkin, ni Bong, ng aking kapatid, because mahirap.

"You know dementia is challenging."

Inihayag din ng Kapamilya host ang kanyang "state of mind" sa pagkakasakit ng ina.

"Sabi ko nga kanina, when I was praying, I am grateful in both joy and pain.

"Grateful because kahit nasasaktan ako, I’m being given the chance by God to be the best mother to my mother.

"And I’m able to say thank you to her.

“I’ll be very honest, I don’t know how I'm going to live my life without the presence of my mother.

“Pero katulad ng maraming sugal sa buhay ko, susuungin ko because that’s the only way.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN host Boy Abunda's mother, Licerna Capito Romerica Abunda or Nanay Lesing, passed away Sunday morning, December 1.
PHOTO/S: Photo from Twitter (@PWU_Manila)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results