Frankie Pangilinan blasts President Duterte in series of tweets

by Jet Hitosis
Dec 2, 2019
Frankie Pangilinan on President Rodrigo Duterte's statement about her parents Senator Kiko Pangilinan and Sharon Cuneta: “like imagine being more concerned with ‘ruining’ a perfectly happy family instead of... being... a good leader...”
PHOTO/S: Ocs Alvarez / Frankie Pangilinan Twitter

“You know the truth and that’s what matters.”

Ito ang mensahe ni Sharon Cuneta sa anak na si Frankie Pangilinan kasunod ng napabalitang napipinto umanong hiwalayan nila ng asawang si Senator Kiko Pangilinan.

Sa isang Instagram post nitong Linggo ng gabi, December 1, pinawi ng 53-anyos na singer-actress ang pag-aalala ng anak.

Sa post ni Sharon, may mensahe siya para kay Frankie, na inilarawan niya na kanyang “best friend”.

“I miss you, my Baba. Don’t worry about the little things.

“You know the truth and that’s what matters. And that I love you more than life itself!”

Continue reading below ↓

Kasalukuyang nag-aaral sa New York City ang 19-anyos na panganay nina Sharon at Kiko.

Si Frankie ang nagparating kay Sharon ng balita tungkol sa pahayag umano ni Pangulong Duterte na “pinapaalis na” ng Megastar sa kanilang bahay ang asawang senador.

Batay sa report ng CNN—na forwarded ni Frankie sa ina—ang pahayag ng Presidente ay bahagi ng speech nito sa Andres Bonifacio Day rites nitong Sabado, November 30.

Kaugnay nito, nag-trending nitong Linggo ang sunud-sunod na tweets ni Frankie laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Umani ng paghanga ang dalaga mula sa publiko dahil sa matapang na pagtatanggol sa kanyang pamilya.

Sa parehong latest post ni Sharon, sinabi niyang dahil “di ko hawak ang mga utak ng mga anak ko, and after all, we’ve raised them all and have always encouraged them to express themselves and stand up for what they believe to be right, I will continue to let her be.”

Continue reading below ↓

FRANKIE BLASTS PRESIDENT DUTERTE IN SERIES OF TWEETS

Sa unang tweet ni Frankie, ipinost niya ang link sa nabanggit na report ng CNN tungkol sa naging pahayag umano ng Pangulo.

Caption ni Frankie: “hala buti pa siya alam.”

Sa sumunod na post ni Frankie, sinabi niyang hindi kapani-paniwala kung kanino nanggaling ang “notification informing you your parents are arguing daw.”

Continue reading below ↓

Nagparunggit pa ang dalaga: “like imagine being more concerned with ‘ruining’ a perfectly happy family instead of... being... a good leader...”

Continue reading below ↓

Ang sumunod na tweet ni Frankie ay screenshot ng CNN report na quoted ang sinabi raw ni Pangulong Duterte tungkol sa umano’y pagpapaalis ni Sharon kay Kiko sa kanilang bahay.

Bahagi rin ng quote ang sinabi umano ng Presidente: “Totoo. Tanungin mo… At kung sabihin mo nagsisinungaling ako, I will resign.”

Caption ni Frankie: “omg when he resigns ur welcome”

Continue reading below ↓

Ipinost din ni Frankie ang screenshot ng conversation nila ng nakababatang kapatid na si Miel.

Inutusan niya si Miel na kuhanan ng litrato ang kanilang mga magulang dahil “ate needs it for the revolution.”

Sa huli, ibinahagi ni Frankie sa kanyang 45,300 Twitter followers ang litrato nina Sharon at Kiko habang nakangiting magkayakap.

Continue reading below ↓

Caption niya: “protect them at all cost.”

SHARON REFUTES DUTERTE’S CLAIMS

Kasabay ng sunud-sunod na tweets ni Frankie, mariing itinanggi ni Sharon ang issue.

Nagpahayag siya ng pagdududa kung sinabi nga ba ng Presidente ang quoted sa CNN report.

Sinabi rin ng Megastar na maghapon silang magkasama ni Kiko sa kanilang farm sa Cavite, kasama ang mga anak nilang sina Miel at Miguel, at si Zsa Zsa Padilla at partner nitong si Conrad Onglao.

Continue reading below ↓

Sa latest post ni Sharon, tiniyak naman niyang ang opposition senator ay “not bothered at all” sa kontrobersiya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frankie Pangilinan on President Rodrigo Duterte's statement about her parents Senator Kiko Pangilinan and Sharon Cuneta: “like imagine being more concerned with ‘ruining’ a perfectly happy family instead of... being... a good leader...”
PHOTO/S: Ocs Alvarez / Frankie Pangilinan Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results