Sharon Cuneta hints at plan to live abroad; daughter Frankie Pangilinan invites her to New York

by Bernie V. Franco
Dec 2, 2019
Frankie Pangilinan and mom Sharon Cuneta take to Instagram and comment about President Rodrigo Duterte's claim that the Megastar wants husband Senator Kiko Pangilinan to move out of their house.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta @kikopangilinan on Instagram

Makahulugan ang mga komento ng mag-inang Sharon Cuneta at Frankie Pangilinan kaugnay ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagsasama ng Megastar at asawa nitong si Senator Kiko Pangilinan.

May patama ang ginawang Instagram post ni Sharon ngayong Lunes ng hapon, December 2.

Malinaw ang mensahe ni Sharon sa kanyang post: gusto niyang umalis sa Pilipinas at manirahan sa ibang bansa.

Kalakip nito ang larawan ng isang puting bahay na napapalamutian ng Christmas wreaths at nababalutan ng snow.

Caption ng 53-anyos na singer-actress: “One day, soon...I will have a house in a place I have never been to, where it snows every winter...where I will feel the way this picture makes me feel!”

Dagdag pa ni Sharon: “Sumunod ka na lang Dada @kiko.pangilinan at mukhang in lab pa kayo ng politics!

“Mauna na kami. Hahahahaha!!! @frankiepangilinan

Continue reading below ↓

Nagkomento rito ang panganay na anak nina Sharon at Kiko.

Hinikayat ni Frankie ang ina na sundan na lang siya sa New York City, USA, kung saan kasalukuyang nag-aaral ang 19-anyos na dalaga.

Buong komento ni Frankie (published as is): “here na mama!! Hahaha we will pack dada and keep him safe until the world becomes kinder.”

Continue reading below ↓

Tila may patama rin si Frankie kay Pangulong Duterte sa kanyang Instagram Story kahapon.

Kalakip ng hugging photo ng kanyang mga magulang, caption ni Frankie: “don’t come for them they’re fine thanks for offering to resign”

THE ISSUE

Nitong Linggo, December 1, nag-post ng mensahe si Sharon sa Instagram upang linawin ang isyung pinapaalis na niya sa kanilang bahay ang asawang si Senator Kiko.

Continue reading below ↓

Idiniin din ng Megastar sa kanyang post na hindi sila hiwalay ng senador.

Nakarating kay Sharon ang isyu sa pamamagitan ng tweets ni Frankie dahil sa ulat na lumabas sa CNN Philippines na may titulong “Duterte claims Sharon Cuneta wants Kiko Pangilinan out of their home.”

Sinabi raw ni Pangulong Duterte na pinapaalis na ni Sharon si Senator Kiko sa kanilang bahay.

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang speech sa Andres Bonifacio Day rites sa Caloocan City nitong nakaraang Sabado, November 30.

Sabi ni Pangulong Duterte: “Pinapaalis na nga ng asawa niya sa bahay niya, ayaw kay wala ibang matirahan. Totoo. Tanungin mo.”

“At kung sabihin mo nagsisinungaling ako, I will resign.”

Si Senator Kiko ay kilalang taga-oposisyon at vocal sa pagbatikos sa kasalukuyang administrasyon.

Sa kanyang Instagram post ay sinabi ni Sharon na kilala niyang palabiro ang Pangulo na tinawag pa niyang “my Tatay.”

Binanggit niyang ang Pangulo “has joked a few times against Kiko and about me in the past!”

Continue reading below ↓

Pero paniniyak ng Megastar, “Please rest assured that all is fine with my family.

“My stress comes from other people and things, but right now my family and marriage have never been happier!”

Samantala, nitong Linggo ay ipinost din ni Senator Kiko sa kanyang Twitter account ang hugging photo nila ni Sharon na parehong naka-peace sign.

Tweet pa niya: “Relaks muna kasama ni Sharon matapos ng buong-araw sa bukid kasama nina Miguel, Zsa Zsa, at Conrad. [heart emoji]”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frankie Pangilinan and mom Sharon Cuneta take to Instagram and comment about President Rodrigo Duterte's claim that the Megastar wants husband Senator Kiko Pangilinan to move out of their house.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta @kikopangilinan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results