Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted in California

by Rachelle Siazon
Dec 2, 2019
Arjo Atayde hints at his boyfriend "duties" by showing how he accompanied Maine Mendoza (right) on what appears to be a shopping activity. The couple (left) are also seen attending a mass at Long Beach, California.
PHOTO/S: CTTO via @everythingarmaine / @arjoatayde Instagram

Nakahanap ng quality time ang magkasintahang Maine Mendoza at Arjo Atayde upang makapagbakasyon sa Los Angeles, California bago ang Christmas break.

Base ito sa kumalat na social media posts kunsaan namataan umano sina Maine at Arjo na nagsimba sa "Holy Family Church" sa Long Beach, California.

Pinaunlakan ng celebrity couple ang ilang kapwa-Pinoy na kasama nila sa mga litrato na ni-repost ng netizens.

Continue reading below ↓

Nakasuot ng simpleng pink knitted sweater si Maine habang naka-shirt at jacket naman si Arjo.

SIGHTINGS AT UNIVERSAL STUDIOS HOLLYWOOD

May isa pang litrato si Maine na kuha umano sa Universal Studios Hollywood sa Los Angeles, California.

Sinasabing kasama rin ni Maine ang dalawa nitong kapatid na sina Nico at Dean Mendoza, na namataan ding namamasyal sa sikat na theme park.

Continue reading below ↓

Makikitang nakasuot si Maine ng plaid pants, oversized white button down shirt, at white rubber shoes.

Tugma ito sa suot na outfit ng dalaga sa Instagram Story na ibinahagi ni Arjo kahapon, December 1 (Philippine time).

Sa photo ni Arjo, nakatalikod si Maine habang tumitingin ng mga bilihin sa isang makeup store.

Continue reading below ↓

Game naman si Arjo na samahan si Maine sa shopping trip nito, base na rin sa caption ng Kapamilya actor na nagpapahiwatig ng boyfriend "duties."

Walang naka-tag na location sa Instagram Story ni Arjo.

Low-key lang din si Maine na walang anumang Instagram post na makapagsasabi kung nasaan sila ni Arjo.

Continue reading below ↓

DINNER WITH ARJO'S FAMILY

Huling naiulat na magkasama ang magkasintahan nang mag-dinner sila sa isang high-end mall sa Mandaluyong City kasama ang pamilya ni Arjo noong November 17.

Sa ulat ng PEP Troika noong November 25, ikinuwento ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez na natutuwa ito sa effort ng young couple na mag-bonding kasama ang pamilya Atayde.

Continue reading below ↓

Kung paano wine-welcome si Maine ng kanilang pamilya ay ganoon din si Arjo na nakakasama rin daw sa bonding ng pamilya Mendoza.

Nabanggit din doon ni Sylvia na sabay na magdiriwang ng Pasko sina Arjo at Maine, pero sa December 26 ay lilipad daw patungong Dubai ang pamilya Atayde.

Si Maine naman ay posibleng magiging abala sa promo ng 2019 Metro Manila Film Festival entry Mission Unstapabol: The Don Identity, na pinagbibidahan nila nina Vic Sotto, Jake Cuenca, at Pokwang.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arjo Atayde hints at his boyfriend "duties" by showing how he accompanied Maine Mendoza (right) on what appears to be a shopping activity. The couple (left) are also seen attending a mass at Long Beach, California.
PHOTO/S: CTTO via @everythingarmaine / @arjoatayde Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results