Miles Ocampo sides with Sharlene San Pedro on Alexa Ilacad bullying accusation

by Arniel C. Serato
Dec 3, 2019
Miles Ocampo (in photo) on issue involving former Goin' Bulilit co-stars Sharlene San Pedro, Nash Aguas, and Alexa Ilacad: "[Kung] gusto niyo talagang mapag-usapan yung issues ninyo, dapat personal na lang."
PHOTO/S: Arniel Serato

Late na raw nalaman ni Miles Ocampo ang gusot na namagitan sa kanyang mga dating Goin’ Bulilit co-stars na sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, at Alexa Ilacad.

Saad ni Miles, “Opo, opo... pero hindi ko po alam sa kanila yung mga ganung away-bata.

“Sabi ko, parang ang hirap magsagot ng… ang hirap ng maninira ka sa national TV kasi ang liit-liit lang po ng industriya natin.

“Magkakasalubong at magkakasalubong kayong lahat.

"So, parang at the end of the day… or kung gusto niyo talagang mapag-usapan yung issues ninyo, dapat personal na lang.”

Inakusahan ni Alexa ang mga dating kasamahan sa Goin’ Bulilit at sa teen-comedy series na LUV U, partikular sina Nash at Sharlene, na diumano’y nam-bully sa kanya.

Nagulat naman si Sharlene sa akusasyon sa kanya ni Alexa na nakipagsabwatan daw kay Nash upang i-bully siya sa social media.

Ano ba ang alam ni Miles sa isyu ni Alexa kina Nash at Sharlene?

Continue reading below ↓

Saad niya, “Nagkasama po kaming lahat, yung batch pong yun, aside po dun sa Goin’ Bulilit, nakasama ko po sa LUV U, yung teen-oriented show po namin.

“Pero ako po, ako kasi ang Batch 1, sila po Batch 2, so hindi ko sila madalas makasama.”

Aminado si Miles na mas malapit siya kay Sharlene.

“Si Sharlene po ang mas kilala ko talaga.”

Nag-open up ba si Sharlene sa kanya ukol sa gusot na ito?

Tugon ni Miles, “After na po. Kasi wala naman talagang away.

“E, ngayon lang namin siya napag-usapan nung may nangyari na pong ganito, pero noon wala namang away.”

Ayon kay Miles, naniniwala siya sa bersiyon ni Sharlene kaysa sa kuwento ni Alexa.

“Siyempre po, and kasi nga parang alam ko na wala naman talagang isyu, so hindi ko alam kung san nanggaling yun…

"Ba't ako maniniwala dun sa alam kong hindi naman nag-e-exist pala?"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Miles bago ang red-carpet premiere ng pinagbibidahan nitong pelikula, ang Write About Love, sa Abe Restaurant, SM Megamall, Mandaluyong City, Lunes ng gabi, December 2.

Continue reading below ↓

Dumating din sa premiere ang co-stars niyang sina Rocco Nacino, Yeng Constantino, at ang direktor nilang si Crisanto Aquino.

Continue reading below ↓

MMFF EXPECTATIONS

Ang Write About Love ay ang entry ng TBA Studios sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Aminado si Miles na sobra ang nararamdaman niyang pressure sa nalalapit na taunang pestibal.

Lahad ng 22-year-old Kapamilya actress, “Yes, nandun po yung pressure.

"Pero at the same time, sabi ko nga, kumbaga, meron na nga tayong mga prime, e, sa MMFF.

"Andiyan po si Bossing [Vic Sotto], si Miss Vice [Ganda], si Kuya Coco [Martin], and grabe po ang respeto ko sa kanila.

“And ang habol ko rito, kasi marami po ang mga tao ang nagma-marathon ng MMFF and yun mga talagang, kumbaga, reward na nila sa sarili nila na manood ng pelikula tuwing Pasko.

“So, yun po yung excited ako na mapanood nila yung movie and mapili nila.

"Kasi po, this year, kami lang po yung napiling romcom.

“So, sa mga gustong kiligin, and hindi lang naman puro kilig yung sa amin, actually for the family din siya, so excited po ako.”

Continue reading below ↓

Ano ang inaasahan niyang kalalabasan ng kanilang pelikula sa MMFF?

Nakangiting sagot ni Miles, “Gusto ko lang po ano lang, makapasok sa Top 5.

“Hindi naman po ako nag--eexpect, pero hindi naman po masamang mangarap.

"Pero yun po sana, sana lang po mabigyan ng chance itong movie namin."

Sa tingin ba ni Miles ay isa siya ngayon sa mga nakakaangat sa mga kasabayan niya sa showbiz, dahil bukod sa regular TV show na Home Sweetie Home ay mayroon pa siyang pelikula?

Medyo nahihiyang sagot ni Miles, “Ay, di ko po alam, hindi ko po masasagot ‘yan. Hindi ko po alam.

"Pero siguro, isa po ako sa nabiyayaan na hindi po ako dumaan dun sa awkward stage.

“Kasi po, di ba po, yung mga kasamahan ko po nahirapan po sa transitions?

“So, ako po, thankful dahil isa po ako dun sa hindi nahirapan.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miles Ocampo (in photo) on issue involving former Goin' Bulilit co-stars Sharlene San Pedro, Nash Aguas, and Alexa Ilacad: "[Kung] gusto niyo talagang mapag-usapan yung issues ninyo, dapat personal na lang."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results