Does Daniel Padilla approve of mother Karla Estrada's new boyfriend?

by Julie E. Bonifacio
Dec 3, 2019
Daniel Padilla on the possibility that his mother Karla Estrada will marry boyfriend Jam Ignacio: “Masyado pang maaga para isipin yun. Masyado pang bago ang pag-ibig."
PHOTO/S: Julie Bonifacio / Instagram

Hindi pa masabi ni Daniel Padilla kung hahantong sa pagpapakasal ang relasyon ng kanyang ina na si Karla Estrada at ang non-showbiz boyfriend nitong si Jam Ignacio.

“Masyado pang maaga para isipin yun. Masyado pang bago ang pag-ibig,” pahayag ni Daniel sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Cornerstone Entertainment studio noong November 26, Martes.

Paano kung mag-decide ang kanyang ina na pakasalan ang boyfriend nito? Papayag ba siya?

Tugon ni Daniel, “Well, mararamdaman naman namin yun ng mga kapatid ko, kung tama bang yun ang maging desisyon, di ba?

“Pero ngayon, nagtatantiyahan pa tayo.”

Ayaw ba niyang magpakasal si Karla kay Jam?

“Hindi naman sa ayaw. Pero tayo, e, nananantiya lang,” diin ni Daniel.

WHAT ABOUT DANIEL AND KATHRYN?

Sunud-sunod ang marriage proposals among showbiz couples today.

Marami rin ang nag-aabang kung kailan susunod si Daniel at ang kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo.

“Masyado pang maaga, dyusko!” bulalas ng binata.

Continue reading below ↓

“Kung ngayon, e, bilyonaryo na ako’t ano, bukas na bukas magpapakasal na tayo.”

Hindi pa ba?

"Hindi… hindi. Marami pang kailangang trabahuin.

“Marami pang kailangang itaguyod. Kaya doon muna tayo.”

Kailan ulit sila magsasama ni Kathryn sa isang proyekto?

“Soon… very soon,” pakli ni Daniel.

“Magsu-shoot na kami sa January.

“Kung teleserye? Yes, magse-serye na ulit tayo.

“‘Tapos magmu-movie.”

DANIEL AND JAMES

Nag-viral ang photos nina Daniel at James Reid na kuha nang magkasama sila sa Rome, Italy.

Posible bang maulit ang “bonding” nila ni James sa Pilipinas?

Ayon kay Daniel, “Puwede naman, kaya lang may kanya-kanya kaming schedule, e. May work kami pareho.

"Unlike pag nag-a-out-of-the-country, siyempre kayo-kayo lang ang nandun, magkakasama. Kaya nagkakaroon ng chance na gaya nun.”

May chance kayang magkaroon sila ng collaboration ni James sa music?

"Tingnan natin,” sagot ni Daniel.

“Kung meron at maganda ang project… mapapag-usapan naman ‘yan.”

UPCOMING PROJECTS

Mahigit isang taon na rin mula nang ipinalabas ang last movie ni Daniel, ang The Hows Of Us nila ni Kathryn.

Continue reading below ↓

Ang huli naman niyang teleserye ay ang La Luna Sangre, na ipinalabas noong 2017.

Hindi ba niya nami-miss magtrabaho?

Sagot ni Daniel, "Yes, siyempre na-miss natin ang magtrabaho.

“Pero masaya rin ako nakapag-relax ako at nabigyan ko ng oras ang sarili ko, pamilya ko, mga kaibigan ko.

“At na-enjoy ko ang buhay ko kaya very fresh ako ngayon.

“Gusto ko magtrabaho naman.”

May title na ba ang pelikulang gagawin niya pagpasok ng 2020?

“Wala,” sagot ni Daniel. "Wala pa rin tayong direktor.

“Hindi pa kami nakakapag-official pitching ng kuwento, e. Pero kailangan nang mag-shoot sa January or Feb.

“Pero ako, magkaka-movie muna ako, with Carlo Manatag.

“So, gagawa muna ako. Kasama ko si Ma’m Charo [Santos] doon sa pelikula.

Under Star Cinema ba yung movie niya with Ma’am Charo?

“Hindi, medyo indie. Basta isa siyang film.

“Ayaw ko na lang sabihin kung ano klase ng movie.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla on the possibility that his mother Karla Estrada will marry boyfriend Jam Ignacio: “Masyado pang maaga para isipin yun. Masyado pang bago ang pag-ibig."
PHOTO/S: Julie Bonifacio / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results