Lani Mercado opens up about son Jolo Revilla's wedding to Angelica Alita

by Julie E. Bonifacio
Dec 3, 2019
Mayor Lani Mercado on future daughter-in-law Angelica Alita: "She’s very supportive of Jolo. Nakikita ko na at ease si Jolo with her. Very, very supportive."
PHOTO/S: Julie Bonifacio / Jolo Revilla Instagram

Sa December 6, Biyernes, nakatakdang lumipad pa-Amerika ang mag-asawang Bacoor City Mayor Lani Mercado at Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. para sa kasal ng anak nilang si Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa fiancée nitong si Angelica Alita.

Magaganap ang kasal nina Jolo at Angelica sa Pelican Hill, Newport Beach, California ngayong Disyembre.

Ano ang pakiramdam na may anak siyang ikakasal?

“This would be the first male.

“Kasi yung una was si Inah, na may tatlong apo na ako, oo,” banggit ni Lani sa anak na si Inah Revilla na ikinasal kay Vincent del Rosario noong May 28, 2008.

Patuloy niya, “Well, this is something different kasi, sa labas ng bansa.

“Sabi ko nga, napaka-hectic. ‘Tsaka kasi this is something different.

“This is the first also na magbabakasyon kami nang buo, with Bong’s brothers and sisters, except for Andeng.

“Andeng will be here for Daddy [Ramon Revilla Sr.]

“But this is the first time na buong pamilya nandoon kami, for the longest time.

Continue reading below ↓

“Maliliit pa ang mga anak namin. Bata-bata pa kami noon nung huli kaming nagbakasyon!” natatawang sabi ni Lani.

Bakit sa U.S. ang napiling venue ng wedding nina Jolo at Angelica?

“Sila yung nag-decide, e. Sabi nga ni Kuya Marlon [Bautista], ‘Mukhang ginagaya talaga kayo, idol niya talaga si Papa niya.’

“Di ba, ang unang kasal namin was in the States? But that was very solemn, very simple.

“Eto, he opted to do it in the States. Maganda yung lugar.

“It’s a Christian wedding. It’s going to be in Pelican Hill, oo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang members and officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC) si Lani sa Strike Revilla Gym sa Bacoor, Cavite, Lunes ng umaga, December 2.

TAMANG PANAHON

Sino ang mas apektado sa kanila ni Bong sa unang anak na lalaki nilang ikakasal?

Ayon kay Lani, “Hindi ko alam, e. Kasi…

“Sino ang umiyak sa amin ni Senator Bong? Hindi ko pa alam.

Continue reading below ↓

“Kasi, of age na si Jolo. Jolo is, I think, 31?

“Oo, 1998 ko siya ipinanganak. Tama ba ang computation ko? Medyo limut-limot na ang lola mo. Hahaha!

“So, he’s of age.

“I do believe na ano na ‘to, napapanahon, tamang panahon para sa kanya.”

Dahil nasa tamang edad na si Jolo, hindi na ba nito kinailangang magpaalam sa kanila?

“Nagpaalam naman,” sambit ni Lani.

“Kumbaga, sa pamilya namin, alam na namin na ikakasal na siya. Nagpaalam siya.

“I think he announced it… nag-ano, nagpahiwatig na ikakasal na siya. Ano ba yun? Nag-propose siya.

“I think that was his birthday. But he announced it during his birthday, of this year, na ikakasal na.”

Nagkaroon ba ng pormal na pagsabi sa kanila si Jolo na gusto na niyang pakasalan si Angelica?

“That happened a month after, before his birthday.

“So, wala naman. Sabi ko, ‘Sigurado ka na ba?’

“Siyempre, alam naman natin ang kanyang love life. Open book naman yun.

Continue reading below ↓

“So, sabi ko, basta masaya siya.”

Bago naging sina Jolo at Angelica, ang huling naging girlfriend ng vice governor ng Cavite ay ang aktres na si Jodi Sta. Maria.

Ano ang first dialogue ni Bong nang magsabi sa kanila si Jolo na gusto na nitong magpakasal?

Sabi ni Lani, “Naku, hindi ko na maalala.

“Basta sinabi namin, ‘Sigurado ka na ba?’

“Kasi, alam mo naman ang pagpapakasal. Hindi naman ‘yan ‘pag napaso ka, iluluwa mo parang mainit na kanin. So, it will be forever.

“And he went naman through the right process of getting married.”

Namanhikan ba sila sa parents ni Angelica?

“The family is from Mindoro Oriental. Actually, hindi pa kami nagpupunta doon.

“Pero ang mga kapatid kasi nandito, nasa Manila. Nagkita-kita na lang po kami,” nangingting sabi ni Lani.

FUTURE DAUGHTER-IN-LAW

Ano ang best qualities ni Angelica ang nakikita ni Lani kaya ito ang napiling pakasalan ni Jolo?

Continue reading below ↓

Saad ng actress-politician, “Siguro, sa pagkakakilala ko kay Angel, masasabi ko, e, kahit siya ay beauty queen, simple siyang tao.

“She’s very supportive of Jolo.

“Nakikita ko na at ease si Jolo with her. Very, very supportive.

“She’s as old as one of my daughters, si Gianna.”

Career woman din ba si Angelica?

“Basta ang alam ko, very supportive partner siya.

“Kasi, if she opted to be a career woman, malamang hindi niya pakakasalan si Jolo this year.

“At, she vied for Binibining Pilipinas.

"Kasi she’s being groomed to be… to follow the footsteps of Catriona [Gray]. Kasi nasa Team Catriona siya, e.

“She was being groomed to join Binibining Pilipinas.

“Kasi, nag-first runner-up na siya before, e. Pero pinilli niya ang pag-ibig.”

Ibig sabihin nito, mas magiging visible and active si Angelica sa political career ni Jolo?

“Oo,” pagkumpira ni Lani.

“Sabi ko nga sa kanya, since yung iba kong anak na babae ay abala, baka siya na ang pagproproksihin ko kapag kailangan ko ng proxy. Hahaha!

Continue reading below ↓

“Ginawang proxy?! Oo, mabait na bata naman siya."

Nilinaw ni Lani na hindi nagdadalantao si Angelica dahilan para magdesisyon si Jolo na pakasalan ito.

“Pini-pray ko po siyempre na magkaroon ng apo sa kanya, oo.

“Hindi naman meron na. Wala pa naman po.

“Wala namang ganoon,” sabi ni Lani.

Kabilang sa mga nabanggit ni Lani na principal sponsors sa kasal nina Jolo at Angelica ay sina Senator Manny Pacquiao, Davao City Mayor Inday Sara Duterte, Tacloban City Congressman Martin Romualdez, Cavite Governor Jonvic Remulla, Jinggoy Estrada, at ang mga tita ni Jolo na sina Bacoor Councilor Rowena Bautista-Mendiola, Princess Revilla, at Gigi dela Riva-Bautista.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mayor Lani Mercado on future daughter-in-law Angelica Alita: "She’s very supportive of Jolo. Nakikita ko na at ease si Jolo with her. Very, very supportive."
PHOTO/S: Julie Bonifacio / Jolo Revilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results