Mayor Isko Moreno clarifies he never courted Claudine Barretto

by Bernie V. Franco
Dec 3, 2019
Manila Mayor Isko Moreno looks back at his past love team with Claudine Barretto.
PHOTO/S: ABS-CBN YouTube / @pornstar_roviel on Instagram

Nilinaw ni Manila Mayor Isko Moreno, 45, na hindi sila naging magkasintahan ni Claudine Barretto, 40.

Sina Isko at Claudine ay naging magkapareha sa pelikulang Muntik na Kitang Minahal noong 1994.

Natanong ang actor-turned-politician tungkol sa nakaraan nila ni Claudine sa guest appearance niya sa Gandang Gabi, Vice nitong Linggo, December 1.

Usisa ni Vice Ganda kay Isko: hindi ba niya naging girlfriend si Claudine?

Sagot ni Mayor Isko, “With due respect to Miss Claudine Barretto, hindi naman.

“We were partners in movies and we belong to one film outfit, which is Seiko Films."

Hindi ba niya niligawan si Claudine?

“Hindi naman,” aniya.

Hindi ba niya naging bet si Claudine?

“Hindi, e,” sagot ni Mayor Isko.

“Nagbigay ako ng bulaklak kasi sinabihan ako ni Boss Robbie [Tan], 'Bigyan mo ng bulaklak para may konting…'” hindi natapos ng alkalde ang kanyang sinasabi.

Si Robbie Tan ang may-ari ng dating sikat na film outfit na Seiko Films.

Continue reading below ↓

Inusisa rin si Mayor Isko kung hindi ba niya pinormahan si Claudine.

Saad niya, “Hindi rin. Siguro I just feel insecure.

“She’s just starting, medyo maayos naman kasi ang buhay nila.”

Naka-holding hands daw niya si Claudine dahil kasama sa eksena sa pelikula, pero hindi niya nahalikan ang aktres.

“Walang kissing scene yung pelikula,” sabi niya.

Hindi rin niya nahalikan ang aktres off-cam.

“Alaws [wala] din, e. Nasa kuwarto, e.

“Ako, kasama ko yung mga crew.”

ISKO: "hindi ako type ng pamilya niya."

Noong vice mayor pa lamang ng Maynila si Isko, nagbigay rin siya ng pahayag tungkol sa nakaraan nila ni Claudine sa June 2013 episode ng Dokumentado, ang dating TV5 tabloid news TV show.

Tinanong siya ng reporters kung may katotohanang hindi nag-prosper ang “relasyon” nila ni Claudine dahil hindi umano boto si Mommy Inday Barretto sa kanya.

Paglilinaw noon ni Isko, “Unang-una, wala kaming relasyon.

“Medyo hindi ako type ng pamilya niya, in such a way, baka hindi ako type nila maka-partner ng anak nila because I’m nobody. I’m starting.”

Continue reading below ↓

Na-attract ba siya kay Claudine noon?

“Well, she’s beautiful,” sagot nito.

Ibinunyag din ni Isko na ang naging kasintahan niya na taga-showbiz ay ang former child star na si Bamba, na kasabayan niya sa dating sikat na youth-oriented show na That’s Entertainment.

Saad ni Isko, “Ang talagang—those are the things of the past, ‘no—ang talagang naging nobya ko noon si Bamba.

"Kasi we were partners, naging magkasama kami sa That’s… magka-batch pa kami."

Continue reading below ↓

Ngayon ay kasal na si Isko sa non-showbiz wife niyang si Diana Lynn Ditan sa loob ng halos 20 taon.

Isang buwan lang daw pagkatapos naging sila ay nagpakasal na sila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manila Mayor Isko Moreno looks back at his past love team with Claudine Barretto.
PHOTO/S: ABS-CBN YouTube / @pornstar_roviel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results