Daniel Padilla asked if he got jealous of Alden Richards

by Rachelle Siazon
Dec 3, 2019
Daniel Padilla on Kathryn Bernardo's teamup with Alden Richards: ""Siyempre, ikaw, bilang lalaki, 'Oh my gosh, iba yung partner! Ta's ang layo. Makalipad nga dun.' Hahaha! Ginawa ko."
PHOTO/S: @kathniel.letter / @supremo_dp Instagram

Inamin ni Daniel Padilla na nakaramdam siya ng takot nang paghiwalayin sila ng reel-and-real-life sweetheart niyang si Kathryn Bernardo at itinambal ang dalaga sa Kapuso actor na si Alden Richards.

Tumagal ng isang buwan ang shooting nina Kathryn at Alden sa Hong Kong para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Nanibago at nahirapan daw si Daniel na magkalayo sila ng nobya.

"Kasi we've been working for eight years together nang on cam, off cam, kami magkasama.

"And now aalis siya, pupunta siya sa Hong Kong for a month.

"It's different. Takot tayo sa mga bagay na iba," pag-amin ni Daniel.

Nakapanayam si Daniel ng TV host na si Boy Abunda sa late-night talk show na Tonight With Boy Abunda, na umere kagabi, December 2.

Patuloy ni Daniel, "Ano nga bang dahilan ng separation na ito? She's gonna have a movie and tungkol saan ba? It's about love.

"Siyempre, ikaw, bilang lalaki, 'Oh my gosh, iba yung partner! Ta's ang layo. Makalipad nga dun.' Hahaha! Ginawa ko."

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Daniel ay ang sorpresa niyang pagbisita kay Kathryn noong kasagsagan ng shooting ng dalaga sa Hong Kong.

Naging viral pa noon ang video kunsaan napalundag si Kathryn nang makita si Daniel dahil sobrang na-miss nila ang isa't isa.

Noong panahong iyon ay hindi pa personal na nagkakakilala sina Daniel at Alden.

JEALOUS OF ALDEN?

Nagselos ba si Daniel kay Alden?

Sagot ni Daniel, "Selos, masyadong mababaw ang salitang selos.

"Hindi siya selos, e. It's more of it's just different. It's a different feeling.

"Kasi yung selos makukuha mo lang 'yan kung saan-saan, e. Ito, ibang usapan siya, e."

Ang tanging malinaw raw kay Daniel ay nasubok ang tatag ng relasyon nila ni Kathryn.

"Dun nagkaroon ng security, dun kami lalong naging tight ni Kathryn dahil doon.

"And noong umalis siya, nandun ako sa punto na I was in dark times noong nangyari yun.

"Hindi yun basta okey lang ako.

Continue reading below ↓

"It was different, minsan nasa banyo ako for hours lang. Andun lang ako."

Hindi lubos na maipaliwanag ni Daniel kung ano ang pinanggagalingan ng hirap na pinagdaanan niya nang mapalayo kay Kathryn.

Ang tanging malinaw ay ang pagmamahal niya para sa nobya.

"Minsan lang kasi maiisip mo na, 'Ano na nga ba nangyayari doon?'

"Hindi naman sa iniisipan ko ng masama si Alden, hindi yun. Hindi yun, e. It's just different.

"At saka hindi ko naman siya puwede tawagan everytime dahil nagsu-shooting sila.

"So, makakausap ko siya umaga at gabi.

"Those times na wala, walang Kathryn, 'Anong gagawin ko dito sa oras na ito?'"

DANIEL'S DREAM WEDDING

Kung hindi na sila mapaghiwalay, bakit hindi kaya pakasalan na niya si Kathryn.

Napangiting sagot ni Daniel, "Huwag muna, Tito Boy. Wala pa tayong datung. Kulang pa ang datung."

Pinaghahandaan at pinagtatrabahuhan daw ang pagpapakasal.

"Kasi siyempre gusto ko kapag dumating yung panahon na 'yan, ayoko nang pukpukan pa rin.

Continue reading below ↓

"Siyempre after marriage, you have to have a family.

"At ayokong maging late pagdating sa family. I don't wanna be old tapos magkakaanak."

Gusto raw ni Daniel na magkaroon sila ni Kathryn ng dalawa o tatlong anak in the future.

Dagdag pa ng binata sa dream wedding nila ni Kathryn, "Gusto ko sa dagat. It's a celebration of love and friendship."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla on Kathryn Bernardo's teamup with Alden Richards: ""Siyempre, ikaw, bilang lalaki, 'Oh my gosh, iba yung partner! Ta's ang layo. Makalipad nga dun.' Hahaha! Ginawa ko."
PHOTO/S: @kathniel.letter / @supremo_dp Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results