Watch Now

Mayor Vico Sotto answers basher criticizing him for watching SEA Games with Gretchen Ho

by Rachelle Siazon
Dec 5, 2019
Pasig City Mayor Vico Sotto defends sighting with ABS-CBN reporter Gretchen Ho at SEA Games 2019 volleyball match amid typhoon Tisoy.
PHOTO/S: @VicoSotto Twitter

Hindi pinalampas ni Pasig Mayor Vico Sotto ang malisyosong paninira sa kanya dahil sa panonood niya ng Southeast Asian (SEA) Games 2019 kasama ang ABS-CBN reporter na si Gretchen Ho.

Si Mayor Vico ay namataang katabi ni Gretchen sa bleachers habang nanonood ng volleyball game sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam sa PhilSports Arena, Pasig City, noong December 3.

Isang netizen ang bumirada na hindi umano tamang nakikipag-date si Mayor Vico kay Gretchen sa kasagsagan ng bagyong Tisoy.

Akusasyon ng netizen, missing in action ang alkalde gayong dapat ay nakabantay ito sa kalagayan ng Pasig City.

Sabi ng netizen: "Kung bumabaha sa Pasig at this very moment at kailangan ng agarang aksyon, your Mayor is seen with a Ho!

"May good time si Yorme sa panahon ng bagyo!"

May buwelta si Mayor Vico sa impormasyong ipinapakalat ng kanyang basher.

Tweet ng anak nina Vic Sotto at Coney Reyes (published as is): "Lahat na lang ginagawang politika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wag nyo naman idamay ang pasig sa fake news dahil kahit nung kalakasan ng ulan nung 2pm hindi bumaha sa Pasig."

Sabi pa ni Mayor Vico, walang masama sa pagsuporta ng opisyales ng Pasig City sa 2019 SEA Games.

Lalo pa’t sa kanilang lugar ang venue ng dinaluhan niyang volleyball event.

"Magandang makanuod ng laro sa Pasig ang mga opisyales ng Pasig.

"Suportahan na lang natin lahat ang mga Atletang Pilipino, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VICO'S UPDATES AMID TYPHOON TISOY

Una nang inalmahan ng alkalde ang netizens na nagpapakalat ng fake news tungkol sa bagyong Tisoy dahil buong taumbayan ay naghihintay ng balita kaugnay ng kalamidad.

Sakop ang mga siyudad sa Metro Manila sa inisyuhan ng mga babala hinggil sa bagyo mula December 2, Lunes, hanggang December 4, Miyerkules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base pa rin sa tweets ni Mayor Vico, tinutukan niya ang weather bulletin upang makapag-isyu ng wastong safety precautions sa mga Pasigueño.

Hangga't maaari ay ayaw raw niyang magsuspinde ng klase kung hindi rin lang naman apektado ng bagyo ang kanilang lugar.

Pero nag-isyu pa rin siya ng suspension alinsunod sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VICO AND GRETCHEN SIGHTING

Sa kaso nina Mayor Vico at Gretchen, hindi malinaw kung sadyang nagkasundo silang sabay manood ng volleyball game sa PhilSports Arena.

Si Gretchen ay nagko-cover ng SEA Games events bilang ABS-CBN reporter, habang sakop ng pinamumunuang lungsod ni Mayor Vico ang venue ng volleyball game.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parehong alumni ng Ateneo de Manila University sina Vico at Gretchen.

Sa usapang love life, single si Mayor Vico at wala pang ipinakilala sa publiko na naging girlfriend noon.

Kilala rin siya bilang "babe mayor" ng netizens na naghahayag ng pagkagusto sa kanya at maraming nag-aabang kung sino ang mapupusuan niya.

Bukas naman sa pagsasabi si Mayor Vico na wala siyang panahon para makipag-date, at mas gusto pa niyang igugol ang libre niyang oras sa pagtulog.

Pero sa panayam ng GMA News noong August, inilarawan ng alkalde na simple lang ang kanyang ideal girlfriend.

"Ang gusto ko po sana—although hindi naman po tayo magiging choosy ano—gusto ko ho sana yung matalino. May hitsura naman. Nothing special..."

Ipinapasa-Diyos na lang daw ni Vico kung sinuman ang mapupusuan niya bago man lang siya mag-40 years old.

Biro pa niya, "Pero tumatanggap naman po ako ng aplikante."

Si Gretchen naman ay halos tatlong taon nang single.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huling nakarelasyon ni Gretchen ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo, pero natuldukan ang mahigit tatlong taon nilang samahan nang maghiwalay sila bandang December 2016.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang ipinakikilang bagong napupusuan si Gretchen.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasig City Mayor Vico Sotto defends sighting with ABS-CBN reporter Gretchen Ho at SEA Games 2019 volleyball match amid typhoon Tisoy.
PHOTO/S: @VicoSotto Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results