Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Pia Wurtzbach, Marlon Stockinger break up

by Arniel C. Serato
Dec 5, 2019
Pia Wurtzbach's business manager confirms to PEP.ph that the former Miss Universe broke up with car racer Marlon Stockinger last September 2019.
PHOTO/S: Marlon Stockinger Instagram

Hiwalay na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at professional race-car driver Marlon Stockinger.

Ito ang kinumpirma ng business manager ni Pia na si Rikka Infantado-Fernandez sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Yes, it's confirmed and you can quote me on that," mensahe ni Rikka sa text message niya sa PEP.ph ngayong Huwebes, December 5.

Ayon pa sa kanya, noon pa man ay may mga hindi na pagkakaintindihan sina Pia at Marlon, pero naaayos din naman nila.

"On and off naman na matagal na, but yung final was September pa," sabi ni Rikka.

Wala na raw ang dalawa noong magdiwang ng kanyang 30th birthday si Pia sa Bali, Indonesia noong huling bahagi ng September.

Ayon naman sa isang source ng PEP.ph, na malapit din kay Pia, ang pagiging jobless diumano ni Marlon ang isa sa mga dahilan ng hiwalayan nila ng dating Miss Universe.

Ngunit wala nang karagdagang detalye na ibinigay ang source tungkol dito.

Continue reading below ↓

Mapapansin ding burado na sa Instagram account ni Pia ang lahat ng kanilang larawan ni Marlon.

Ang huling litrato naman ni Marlon kasama si Pia ay noon pang May 29, 2019 nai-post.

In-unfollow na rin nila ang isa't isa sa Instagram.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

PIA-MARLON RELATIONSHIP

Halos tatlong taon ang itinagal ng relasyon nina Pia at Marlon.

Inamin ni Pia noon na siya ang gumawa ng first move upang magkakilala sila ng guwapong race car driver.

Kuwento pa ng Filipino-German endorser/model/actress, “I found my boyfriend on Instagram.

“I just started liking a few pictures first, just to kinda knock on the door, like let him know, ‘I’m here.’ I’ve always had a crush on this guy.”

Sa panayam sa dalawa noong June 2018, sinabi nina Pia at Marlon na hindi pa sila handang magpakasal kahit aminado ang race car driver na “wife material” ang girlfriend.

Sabi ni Pia, “Not in the near future, no. We’re not there yet.

“I still feel like we want to achieve a lot individually. Marami pa kaming plano individually.

"Marami pa kaming gustong ma-achieve, ako sa career ko and siya sa racing career niya."

Nang inilabas ng PEP.ph noong March 2017 ang balitang may anak na kambal si Marlon, nanatili si Pia sa piling ng nobyo.

Continue reading below ↓

Noong November 30 sana ang ikatlong anibersaryo ng relasyon nila.

Bukas ang PEP.ph sa panig ni Marlon Stockinger kaugnay ng balitang ito.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Wurtzbach's business manager confirms to PEP.ph that the former Miss Universe broke up with car racer Marlon Stockinger last September 2019.
PHOTO/S: Marlon Stockinger Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results