Supreme Court orders reinvestigation of Sen. Lito Lapid's alleged involvement in fertilizer fund scam

by Rachelle Siazon
Dec 5, 2019
Senator Lito Lapid faces reinvestigation of the graft case filed against him due to his alleged involvement in the anomalous multi-million purchase of fertilizer when he was still a Pampanga governor.
PHOTO/S: @mr.litolapid Instagram

Iniutos ng Supreme Court na muling imbestigahan ang kasong graft na isinampa laban kay Senator Lito Lapid tatlong taon pagkatapos itong ibasura ng Sandiganbayan anti-graft court.

Kaugnay ito ng pagkakasangkot ni Lapid sa diumano'y fertilizer fund scam noong 2004, panahong nakaupo siya bilang gobernador ng Pampanga.

Hindi tinanggap ng Supreme Court ang pagbasura ng Sandiganbayan sa kasong graft laban kay Lito dahil sa "delay" sa preliminary investigation na isinagawa noon ng Ombudsman.

SANDIGANBAYAN'S DECISION IN 2016

Layunin ng Office of the Ombudsman ang mag-imbestiga ng mga kasong sangkot ang mga opisyales ng gobyerno, at ito ang nagrerekomenda sa Sandiganbayan kung anuman ang ihahaing kaso.

Sa desisyon ng Sandiganbayan noong October 2016, kinuwestiyon nito kung bakit "four years and six months" na nakabinbin ang akusasyong graft laban kay Lapid.

Nagsimula raw ang Office of the Ombudsman na imbestigahan ang dating Pampanga governor noong 2011, at pormal na isinumite sa Sandiganbayan ang kaso laban dito noong November 2015.

Continue reading below ↓

Hindi raw katanggap-tanggap ang bagal ng Office of the Ombudsman sa pagbibigay ng aksiyon dahil nasa mandato nito ang mabilis na pagresolba ng mga hawak na kaso.

Hindi rin daw sapat ang dahilan ng public prosecutors na matagal ang pag-usad ng kaso dahil sa "voluminous records" o dami ng dokumentong kailangang suriin kaugnay ng kaso.

SUPREME COURT REVERSES SANDIGANBAYAN'S DECISION

Pero binaliktad ng Supreme Court ang desisyon ng Sandiganbayan na ilaglag ang kasong graft laban kay Lapid.

Ang pagbasura raw sa isang kaso dahil sa "delay" ay tinatanggap lamang kung may katibayang hindi makatarungan at maanomalya ang mabagal na pag-usad ng kaso.

Giit ng Supreme Court hinggil sa pagdinig ng kasong graft na kinahaharap ni Lapid:

"No such delay attended the Ombudsman's proceedings that would warrant the dismissal of the criminal case against herein respondents."

Ngayong Huwebes, December 5, lumabas ang kopya ng desisyon ng Supreme Court na may petsang August 19, 2019.

Continue reading below ↓

Nakasaad din sa rekomendasyon nitong bigyan agad ng karampatang aksiyon ang imbestigasyon sa kaso.

ANOMALOUS TRANSACTION?

Nahaharap si Senator Lapid sa kasong graft dahil sa diumano’y maanomalyang pagbili ng lokal na pamahalaan ng Pampanga ng 3,880 liters ng fertilizer mula sa Malayan Pacific Trading Corporation (MPTC).

Nagkakahalaga ng PHP4.761 million ang biniling fertilizer.

Maging ang D.A. Vasquez Macro-Micro Fertilizer Resources (DAVMMFR) na nagsu-supply ng naturang fertilizer sa MPTC ay sangkot din sa kaso.

Ito ay sa dahilang mayroon umanong sapat na ebidensiyang makapagpapatunay na hindi dumaan sa pormal na bidding ang pakikipagtransaksiyon ng lokal na pamahalaan ng Pampanga sa MPTC at DAVMMFR.

Ayon pa sa impormasyong isinumite ng Office of the Ombudsman, napag-alamang si Lapid mismo ang nagpatunay na walang ibang alternatibong produkto, kaya’t direktang kinuhang supplier ang MPTC ng Macro-Micro Foliar Fertilizer.

Pero kinuwestiyon din ng Office of the Ombudsman ang bilis ng transaksiyon sa pagbili ng lokal na pamahalaan ng Pampanga sa fertilizer products ng MPTC, na umabot lamang ng labing-apat na araw.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Lito Lapid faces reinvestigation of the graft case filed against him due to his alleged involvement in the anomalous multi-million purchase of fertilizer when he was still a Pampanga governor.
PHOTO/S: @mr.litolapid Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results