Pia Wurtzbach denies ex-boyfriend Marlon Stockinger, family depended on her financially

by Arniel C. Serato
Dec 6, 2019
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, in an official statement, confirms breakup with professional race car driver Marlon Stockinger.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Kinumpirma ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, 30, na hiwalay na sila ng professional race car driver na si Marlon Stockinger, 28.

Sa pamamagitan ng official statement na inilabas ngayong Biyernes, December 6, sinabi ng beauty queen na umaasa siyang maging maayos si Marlon at ang pamilya nito.

Video: Rommel R. Llanes.

Mariin namang itinanggi ni Pia ang kumakalat na balita na, diumano, naging financially dependent sa kanya ang ex-boyfriend at ang pamilya nito.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Pia, na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng kanyang business manager na si Rikka Infantado Fernandez:

"It's true that Marlon and I are no longer together.

"I wish him and his family well, and out of respect for them, let me make it clear—Marlon and his family never depended on me financially.

"This will be my only statement on the matter. Thank you for your support."

November 2016 naging pormal ang relasyon nina Pia at Marlon.

Continue reading below ↓

Umamin pa nga si Pia noon na siya ang unang nagparamdam sa guwapong car racer sa pamamagitan ng pagla-like ng pictures nito sa Instagram.

Nang inilabas ng PEP.ph ang report na may kambal na anak si Marlon mula sa dating karelasyon, noong March 2017, nanatili ang beauty queen sa piling nito.

Setyembre ngayong taon naghiwalay sina Pia at Marlon, dalawang buwan bago sana ang ikatlong anibersaryo nila.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, in an official statement, confirms breakup with professional race car driver Marlon Stockinger.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results