Jake Cuenca neither confirms nor denies live-in rumor with girlfriend Kylie Verzosa

by Arniel C. Serato
Dec 6, 2019
Jake Cuenca on settling down with Kylie Verzosa in the near future: "Tulad ng sabi ko noon, para sa akin, kung nasaan ako ngayon, sa edad ko ngayon, hindi na malayo tingnan yun.”
PHOTO/S: Noel Orsal / @juancarloscuenca on Instagram

Halos hindi na mapaghiwalay ang magkasintahang Jake Cuenca, 31, at Miss International 2016 Kylie Verzosa, 27, mula nang umaming may relasyon sila noong Setyembre 2019.

Nitong Nobyembre lamang, nag-post si Jake sa Instagram tungkol sa paghihintay sa pag-uwi ng kanyang nobya.

Sabi ni Jake, “So into you [in love emoji], can’t wait for you to come home.”

Continue reading below ↓

Ang “home” ba na tinutukoy ng aktor ay ang bahay na kanilang tinitirhan, at ang ibig sabihin nito ay nagsasama na sila ni Kylie sa iisang bubong?

Nakangiting sagot ni Jake, “Exited lang ako na ano... excited lang ako na makauwi siya kasi marami siyang out of the country, e.

“Nag-out of the country rin ako recently, kababalik ko lang galing Saudi.

“Yeah, definitely, may aso na kami magkasama, then we’d like to spend a lot of time together.

“And ako, definitely, masasabi ko lang when I have free time, [gusto ko] kasama ko siya.”

Kamakailan ay bumili ng aso sina Jake at Kylie na pinangalanan nilang Nuggie, isang bulldog.

Continue reading below ↓

Paghahanda na ba ito sa pagiging mga magulang nila in the future?

Tugon ni Jake, “Tulad ng sabi ko noon, para sa akin, kung nasaan ako ngayon, sa edad ko ngayon, hindi na malayo tingnan yun.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake pagkatapos ng grand media conference ng The Haunted.

Ginanap ang presscon sa 9501 Restaurant sa ELJ Building, ABS-CBN compound, Quezon City, kagabi, December 5.

Ang The Haunted ay ang bagong primetime series nina Jake, Denise Laurel, at Shaina Magdayao na mapapanood sa Kapamilya Network simula sa December 8.

Papalitan nito ang nagwakas nang Parasite Island.

Continue reading below ↓

JAKE GETS SERIOUS WITH KYLIE

Marami nang nakarelasyon si Jake sa showbiz.

Ngunit ngayon lang daw talaga siya tinamaan nang husto pagdating sa pag-ibig.

Saad ng Kapamilya actor, “Oo, steady lang and mas ano... and ano, thankful ako for Kylie, super, always.

“At sinusukli ko yun in a way na binibigay ko rin sa kanya ang pagmamahal ko nang buong-buo.”

Continue reading below ↓

Masasabi ba niyang hindi na siya naglalaro sa pagkakataong ito?

Sagot ni Jake, “Wala... wala na. Hindi na ako sa laro, laro.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Cuenca on settling down with Kylie Verzosa in the near future: "Tulad ng sabi ko noon, para sa akin, kung nasaan ako ngayon, sa edad ko ngayon, hindi na malayo tingnan yun.”
PHOTO/S: Noel Orsal / @juancarloscuenca on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results