Vice Ganda takes helicopter ride to Mindoro for relief operation after Typhoon Tisoy

by Bernie V. Franco
Dec 6, 2019
It's Showtime host Vice Ganda rides a helicopter heading to a town in Oriental Mindoro to give a helping hand to victims of Typhoon Tisoy, which wreaked havoc in some parts of the country earlier this week.

Hindi na tinapos ni Vice Ganda ang pagho-host niya ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime ngayong Biyernes, December 6, dahil kinailangan niyang pumunta ng Oriental Mindoro para sa isang relief operation.

Isa ang Oriental Mindoro sa lubhang nasalanta ng bagyong Tisoy, na may international name na Kammuri, na nanalanta sa bansa noong December 2, Lunes.

Via Instagram Story, sunud-sunod ang video posts ni Vice para sa pag-a-update sa ginawang relief operation sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.

“Sorry, kailangan ko nang umalis ng Showtime dahil pupunta ako ng Mindoro para sa isang relief operations,” ani Vice.

“And para umabot doon today, kailangan naming mag-chopper.

“Nasa tutkok ako ng ABS-CBN,” ani Vice habang nagvi-video paakyat sa rooftop ng ABS-CBN ELJ Building, kung saan naroon ang helipad.

Idinaan din ng Kapamilya star sa Twitter ang tungkol sa kanyang aktibidad.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Mula sa himpapawid ng Mindoro, nag-video si Vice ng mga nasirang pananim, puno, gusali, at mga bahay.

Continue reading below ↓

Ipinakita rin niya kung gaano kasaya siyang sinalubong ng mga residente paglapag sa lupa.

Makikita at maririnig sa mga video ang hiwayan at tuwa ng mga residente.

Continue reading below ↓

VICE GANDA TWEETS about the relief operations

Sunud-sunod ang tweets ni Vice kunsaan ikinuwento niya ang kanyang karanasan sa ginawang relief operation sa lugar.

Pinuri niya ang mga residente.

"Napakamakapangyarihan ng NGITI. Sa simpleng ngiti gumagaan ang lahat. Sa simpleng ngiti nakakaahon tayo. Sa simpleng ngiti may nagbabago. Kaya nating lahat hanggat kaya nating ngumiti.

"Sumaglit ako ng Pinagmalayan Mindoro para mag abot ng konting tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Sa sandaling panahon andami kong nakitang ngiti. Parang di alintana ang bagyo ng kahapon. Kaya nilang ngumiti. Dapat kaya mo rin."

Continue reading below ↓

Nang paalis na nga ang helicopter, maririnig ang ilang kasamahan ni Vice at staff members ng operation na nag-alala dahil sa pagdumog at pagkatok ng mga residente sa helicopter para kawayan si Vice.

DAMAGE IN MINDORO

Sa Mindoro pa lamang, naiulat na may limang nasawi at 19 na nasaktan dulot ng bagyong Tisoy.

Continue reading below ↓

Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tinatayang PHP811 milyon ang pinsala ang dinulot ng bagyo sa mga pananim.

Sa Oriental Mindoro ay umabot sa PHP156 milyon ang nasirang pananim ayon sa NDRRMC.

Kabilang naman sa mga gusaling nasira ay mga bahay at mga paaralan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime host Vice Ganda rides a helicopter heading to a town in Oriental Mindoro to give a helping hand to victims of Typhoon Tisoy, which wreaked havoc in some parts of the country earlier this week.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results