Liza Soberano, Enrique Gil reveal a network executive asked them about being partnered with other stars

by Bernie V. Franco
Dec 6, 2019
Enrique Gil and Liza Soberano, a.k.a. LizQuen, reveal that Star Cinema head Olivia Lamasan talked to them about being paired with other stars for their future projects.
PHOTO/S: Noel Orsal

“We’re open to it, but we’re not gonna rush.”

Sagot ito ni Liza Soberano tungkol sa posibilidad na ipareha sila ng reel at real-life boyfriend niyang si Enrique Gil sa ibang Kapamilya stars.

Kilala ang Kapamilya love team bilang LizQuen.

Sa katunayan raw, isang executive mula sa kanilang home network ang nagtanong sa kanila tungkol dito.

“I think it comes to a time when everybody has to," pahayag ni Enrique.

“'Tsaka kung iisipin mo rin, if you use two different love teams, siyempre both [supporters of] love teams manonood, siyempre sure hit yon, di ba?

“It can be really, really good."

Dagdag ni Enrique, "You really have to change up stories, and it’s also nice to see somebody portraying different characters."

Maaaring magalit daw ang ibang fans, subalit para na rin daw ito sa growth ng kanilang mga idolo.

Natanong sina Liza, 21, at Enrique, 27, tungkol dito sa ginanap ng press conference ng Make it with You, ang kanilang upcoming teleserye.

Continue reading below ↓

Ginanap ang press con sa ELJCC Building sa ABS-CBN Compound, Quezon City nitong Biyernes, December 6.

Inamin naman ni Liza na si ABS-CBN Films Creative Manager Olivia Lamasan, na tinatawag nilang Inang, ang nagtanong sa kanila tungkol dito.

“It actually was brought up, pero it wasn’t brought up like at the moment,” lahad ng aktres.

“They were, like, asking us, sina Inang, ‘Are you guys open to working with other actors and actresses in the future?’”

Pero paglilinaw ni Liza, wala pa namang katiyakan kung kelan ito mangyayari.

“Parang I don’t think it’s really time for us yet to separate; but it’s really inevitable because we really need it for our growth and also for the company’s growth as well.

“So it’s not like when they partner certain individuals from a love team, they’re separating the love team. It’s not really like that.

“They can always do another project, so the love team is always there.

Continue reading below ↓

“They’re just expanding their craft and their talents.”

LIZQUEN to follow kathryn-alden teamup?

Isang halimbawa ng senaryong ito ay ang pagpa-partner kina Kathryn Bernardo at GMA actor na si Alden Richards sa pelikulang Hello Love, Goodbye, na ipinalabas noong July 2019.

Kilala si Kathryn bilang perennial onscreen partner ng real-life boyfriend niyang si Daniel Padilla, habang identified si Alden bilang leading man ni Maine Mendoza.

Pero ang pelikula nina Kathryn at Alden ay naging matagumpay at highest-grossing Filipino movie sa kasalukuyan.

Tanggap ni Enrique at Liza na maaaring tahakin nila ang ganitong landas.

Ani Enrique: “We will have to grow eventually. Hindi naman puwedeng forever…"

“Stuck in a box,” singit ni Liza.

“We’re open to it but we’re not gonna rush,” dagdag ng aktres.

Wala rin daw silang balak na pigilan ang growth ng isa’t isa.

“I think we’re here to help each other, not hold each other back.

“We’re here to give a helping hand.

Continue reading below ↓

“I will support her kahit ano pang project ang gawin niya,” ani Enrique.

PROUD GIRLFRIEND

Sabi naman ni Liza, proud siya sa tuwing napapanood niya si Enrique sa mga pelikulang hindi sila magkasama.

“Coz he’s done films na hindi ako kasama throughout our love team, and I actually really enjoy watching him na hindi ako kasama, coz I see a different Enrique, I see his character.

“Like in Seven Sundays, ang galing talaga niyang umarte doon, so it really brings out the best in him as well.

“And it’s like a breather, parang nare-refresh din siya.”

Ang Seven Sundays ay ang 2017 Star Cinema movie na pinagbidahan din nila Aga Muhlach, Ronaldo Valdez, Cristine Reyes, at Dingdong Dantes.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enrique Gil and Liza Soberano, a.k.a. LizQuen, reveal that Star Cinema head Olivia Lamasan talked to them about being paired with other stars for their future projects.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results