Itinanggi ni Jomari Yllana ang mga akusasyon sa kanya ng dating kinasamang si Joy Reyes.

Nilinaw rin niya ang ilan pang isyung ibinulgar ni Joy laban sa kanya.

Samantala, inamin naman ng aktor at Parañaque councilor na kasalukuyan silang nagde-date ng comebacking actress na si Abby Viduya na kilala rin noon bilang Priscilla Almeda.

Kasabayan ni Jomari si Abby na ni-launch nung mid-'90s, kasama ang teen actors din noon na sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso.

Kilala ang grupo noon nina Jomari, Mark Anthony, at Eric bilang "Guwapings" at si Abby ang tinagurian naman noong "Babaeng Guwaping."

Na-link noon sina Jomari at Abby.

Bandang late-'90s, nagbago ng image si Abby at naging mapangahas sa kanyang mga pictorial at pelikula.

Ini-launch siya ng Seiko Films bilang isa sa mga "TF Stars" o "Titillating Films Stars" at ni-repackage bilang si Priscilla Almeda, kasabay nina Rosanna Roces, Anton Bernardo, Leandro Baldemor, at Leonardo Litton.

Matapos humupa ang kasikatan ng sexy films ay lumisan sa showbiz si Abby, nagkapamilya at nagka-career bilang recreation director ng isang senior facility sa Canada.

Nagbabalik sa showbiz si Abby at gustong tularan ang roles na ginagampanan ni Dimples Romana sa Kadenang Ginto.

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results