Jomari Yllana says "irreconcilable differences" caused breakup with Joy Reyes; reconciles with first love Priscilla Almeda

by Arniel C. Serato
Dec 7, 2019
Jomari Yllana on reconciliation with former girlfriend Priscilla Almeda: "Siguro kami, nabibigyan kami ng pagkakataon na ma-meet ulit ang isa’t isa, na kung saan meron kaming sitwasyon na in a way magkahawig [parehong hiwalay], and kami naman we always had good vibes sa isa’t isa, and good memories.”
PHOTO/S: Arniel Serato

“Yes, we’re seeing each other.”

Ito ang direktang pag-amin ni Jomari Yllana sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung may relasyon ba sila ni Priscilla Almeda—na unang nakilala sa screen name na Abby Viduya.

Noong una ay umiiwas pa si Jomari na tukuyin ang katauhan ng bago niyang karelasyon na ipinalit niya sa dating kinakasamang si Joy Reyes.

Saad ng aktor at Parañaque councilor, “Meron akong kinakasama.

"I’m seeing someone right now.

"Pero in due respect sa family, because the family is being dragged also, I’d like to keep it private na lang muna.

“Respeto lang dun sa pamilya at sa kanya.

"And I deny that also na meron siyang asawa. I-set na lang natin sa ganun."

Noong banggitin namin ang pangalan ni Priscilla, natawa at medyo napaisip ng ilang segundo si Jomari bago sumagot.

Pahayag ng 43-year-old actor-politician, “Ako sana, doon sa sitwasyon, with due respect din naman doon sa pamilya, kasi yung pamilya niya nagugulo din, a.

Continue reading below ↓

"Humihingi ako ng paumanhin at saka nagbibigay ako ng respeto sa pamilya ni Abby kung bakit siya nadadamay sa sitwasyong ito.

"And hindi ko naman idi-deny na siya.

“And yes, we’re seeing each other.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph si Jomari bago pa man dumating ang iba pang malalapit na kaibigang showbiz reporters na ipinatawag niya para sa lunch get-together, tanghali ng Sabado, December 7, sa Annabel's Restaurant, Quezon City.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Aminado si Jomari na dahil sa magkakasunod na artikulo ng PEP.ph tungkol kay Joy, napagdesisyunan niyang ipaliwanag sa amin at sa iba pa niyang kaibigang manunulat ang kanyang panig sa hiwalayan nila ni Joy.

Continue reading below ↓

FIRST LOVE NEVER DIES?

Magkasabayang sumikat sa showbiz sina Jomari at Priscilla noong kalagitnaan ng dekada ’90.

Si Jomari ay bahagi ng sikat na grupong “Guwapings” kasama sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso.

Si Priscilla naman ay tinagurian noon bilang "Babaeng Guwaping."

Nagkaroon sila ng relasyon noong kabataan nila ngunit nagkahiwalay rin.

Kalaunan, nilisan ni Priscilla ang showbiz sa Pilipinas at namuhay sa Canada kasama ang kanyang pamilya.

Nagkaroon sila ng tatlong anak ng kanyang non-showbiz husband.

Si Jomari naman ay nagpakasal kay Aiko Melendez ngunit naghiwalay rin sila.

Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki—si Andre Yllana, na 21 anyos na ngayon.

Ang mga sumunod na naugnay kay Jomari ay ang aktres na si Ara Mina, ang singer na si Pops Fernandez, at si Joy Reyes.

Mayroong dalawang anak sina Jomari at Joy.

Paano sila nag-reconnect ni Priscilla?

Tugon ni Jomari, “I think it was 2016? Or 2015?

"Na nag-uusap kami tungkol sa pulitika, buhay sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

"Iyan yung time na nagpi-prepare naman ako for public office.

“And since then, nag-reconnect kami.”

Si Priscilla ba ang first love niya?

“Siguro kami, nabibigyan kami ng pagkakataon na ma-meet ulit ang isa’t isa, na kung saan meron kaming sitwasyon na in a way magkahawig."

Ang ibig sabihin ni Jomari ay ang parehong pagiging hiwalay nila.

Dagdag pa niya, "And kami naman, we always had good vibes sa isa’t isa, and good memories.”

Nagli-live in ba sila ngayon?

Nakangiting tugon ni Jomari, “Kami ay nagkikita, kami ay... nagdi-date?”

Ayon sa naunang panayam ng PEP.ph kay Joy, may pamilya pa raw si Abby noong nagkarelasyon sila muli ni Jomari.

Reaksiyon ni Jomari, “In respect sa pamilya niya and the children, I cannot speak para sa kanila or para sa kanya.

“Pero ako, yung hindi pagbigay ng comment tungkol sa side niya or sa pamilya niya ay in due respect din naman sa kanya.”

Continue reading below ↓

ALLEGED WOMANIZER

Pagkatapos nito ay isa-isang sinagot ni Jomari ang iba pang mga akusasyon sa kanya ni Joy.

Sa dalawang ulat ng PEP.ph tungkol sa mga post ni Joy sa Facebook, ipinagdiinan nitong marami raw babae si Jomari kaya inabandona sila nito.

Hindi naman umiwas si Jom. Sagot nito, “I’ve been involved sa maraming-maraming relasyon.”

Ayon kay Joy, may mga ibang babae raw si Jomari habang nagsasama pa sila.

Mabilis namang tanggi ni Jomari, “No, no, no. I deny that.

"Dini-deny ko yung accusations na meron akong mga babae. Marami nga, maraming sinasabi.

“It was brought to my attention also na sinasabi na meron akong matrona, matrona na sinusustentuhan ako.

“I deny these accusations.”

Ayon kay Jomari, 2018 pa sila naghiwalay ni Joy dahil sa maraming bagay na hindi na nila pinagkakasunduan.

Paano dumating sa puntong nagdesisyon siyang ayaw na niya?

Saad ni Jomari, “Kung titingnan ko yung naging sitwasyon namin, it’s really irreconcilable differences, na talagang iba lang yung pagkatao niya sa pagkatao ko.

Continue reading below ↓

“Uhm, nung nagsasama kami dati, I think na-mention pa yung salitang kabit, I deny that also.

“So, kung isusuma-total mo yung hiwalayan kung bakit kami naghiwalay, it was irreconcilable differences.”

Ayaw nang magdetalye ni Jomari tungkol sa mga hindi nila pagkakaunawaan, ngunit may kasunduan na raw sila ni Joy sa barangay ukol dito noon pa, kabilang na ang sustento para sa kanilang mga anak at pati na kay Joy.

Isa rin sa hiniling ni Joy ay maibigay na ang Starex van na ipinangako raw ni Jomari sa kanila.

Ayon kay Jomari, hindi pa niya ito naibibigay.

“Hindi. Hindi. Hindi kami nag-uusap, e.

"Although ang transportation needs nila is being provided for."

Umaasa naman siyang magkakaayos sila na hindi na kailangang idaan pa sa pagra-rant sa social media.

Bukas ang PEP.ph sa anumang ihayag ni Joy sa naging pahayag ni Jomari.

(Watch full interview of Jomari Yllana here.)

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jomari Yllana on reconciliation with former girlfriend Priscilla Almeda: "Siguro kami, nabibigyan kami ng pagkakataon na ma-meet ulit ang isa’t isa, na kung saan meron kaming sitwasyon na in a way magkahawig [parehong hiwalay], and kami naman we always had good vibes sa isa’t isa, and good memories.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results