Maine Mendoza's sister clarifies cryptic post has nothing to do with Maine-Arjo relationship

by Rachelle Siazon
Dec 8, 2019
Coleen Mendoza replies to netizens arguing about the relationship of her sister Maine and Arjo Atayde.
PHOTO/S: @nicoleendyann / @mainedcm Instagram

Nagulat ang kapatid ni Maine Mendoza na si Coleen nang maging tampok ng espekulasyon ang kanyang cryptic post tungkol sa kung anumang pinagdadaanan niyang problema.

Post ni Coleen: “As time goes on, you’ll understand. What lasts, lasts; what doesn’t doesn’t. Time solves most things. And what time can’t solve, you have to solve yourself.”

Continue reading below ↓

Base sa comments sa kanyang Instagram post, nagpalitan ng mensahe ang ilang netizens na naghihinalang may kinalaman sa relasyon ng magkasintahang Maine at Arjo Atayde ang post ni Coleen.

May iba ring fans ang sumingit na sana ay magbalik-tambalan sina Maine at Alden Richards (AlDub), na may kanya-kanyang solo acting projects sa ngayon.

Pakiusap naman ng isang fan ni Maine, sana ay huwag idamay ang relasyon nina Maine at Arjo sa kung anumang hiling ng ibang fans kaugnay ng onscreen partnership ng AlDub.

Continue reading below ↓

Upang matigil ang diskusyon ng fans, isang netizen ang humingi ng paglilinaw mula kay Coleen kung para kanino ang kanyang cryptic post.

Tanong ng isang netizen (published as is): "Ms Coleen para kanino itong message mo? Kay Maine Arjo o saiyo? Nakakainis kc daming mga aswang na nag lipana Please next time tagalugin mo para nahintindihan. Grabeee sila!!!!!"

Continue reading below ↓

Sagot ni Coleen: "Myself. Please calm yourself."

NETIZENS DEBATING OVER MAINE'S LOVE LIFE

Pero patuloy pa rin ang diskusyon ng ibang netizens na nagsasabing naba-bash si Arjo dahil sa diumano'y panggagamit nito kay Maine para raw sa ikagaganda ng celebrity status ng aktor.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit nabuwag ang tambalang AlDub.

Continue reading below ↓

Kontra-pahayag ulit ng ilang fans ni Maine, sa open letter pa lang ng dalaga noong November 2017 ay nilinaw na ng TV host-actress na magkaibigan lang sila ni Alden.

At noong March 2019 ay inihayag ni Maine ang pagkakamabutihan nila ni Arjo, at kinalaunan ay parehong inamin ng dalawa ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

COLEEN ISSUES DISCLAIMER

Dahil sa debate ng netizens sa kanyang post, muling nilinaw ni Coleen na labas siya sa relasyon nina Maine at Arjo.

Personal na pinagdadaanan ang tinutukoy niya sa kanyang Instagram post at hindi ang celebrity couple.

Pahayag ni Coleen (published as is):

"The views and opinions expressed by my posts do not necessarily state or reflect those of my sister, my family, Arjo, and the network.

"Furthermore, the views and opinions of the comment-ers do not reflect those of me, my sister, my family, Arjo and the network.

"EPEK! May pinagdadaanan din naman akong personal.

"Chill lang kayo guys...:)"

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coleen Mendoza replies to netizens arguing about the relationship of her sister Maine and Arjo Atayde.
PHOTO/S: @nicoleendyann / @mainedcm Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results