Joy Reyes likens Jomari Yllana to "rotten garbage"

by Rachelle Siazon
Dec 8, 2019
Joy Reyes reiterates Jomari Yllana's alleged womanizing and lack of financial support for their two sons.
PHOTO/S: @joyfullyenjoyingjoy / @jomariyllana Instagram

"Rotten garbage can't be hidden for long. The stench will speak for itself."

Ito ang buwelta ni Joy Reyes sa dating live-in partner na si Jomari Yllana, na naglabas ng bersyon ng kuwento nito tungkol sa mapait nilang hiwalayan.

Mariing pinabulaanan ni Jomari ang alegasyon na ang pambababae niya ang dahilan ng pag-abandona nito kay Joy at sa dalawa nilang anak.

Sinabi ni Jomari na "irreconcilable differences" ang sumira sa relasyon nila ni Joy, base sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, December 7.

Pero giit ni Joy, puno ng pagtatakip at kasinungalingan ang mga binitiwang salita ni Jomari.

Bahagi ng Instagram post ni Joy nitong nakaraaang Sabado ng gabi, December 7 (published as is):

"This is like me in a courtroom saying, 'no further questions, your Honor!'

"Vindication achieved. The public is intellectual enough to analyze where the lies are really coming from.

"You may try to take desperate measures to at least save face...

Continue reading below ↓

"You may Say the most pathetic statements to put the blame on someone else, u may distort the facts, use humiliation again to make other people look & feel bad but the Philippines is a thinking nation.

"Do not underestimate the brilliance of the Filipino people.

"The truth is absolute. It's whole. You can not slice it up by admitting some and denying some. It's not a bag of M&Ms that you can just choose only the color that you want."

Nanindigan din si Joy na saksi ang mga residente ng BF Homes Parañaque sa sigalot sa pagitan nila ni Jomari.

Tila umabot sa barangay ang alitan nila noon na may kinalaman sa pambabae at sustento ni Jomari sa pamilya nila ni Joy.

"As I've been consistently mentioning, I have no interest at all in this circus show you are running.

"More so on the disgusting activity of constantly changing partners. No one is stopping you though.

Continue reading below ↓

"(of course, u may deny as much as you want but the people of Paranaque know the truth. The public may even go to Bgy BF Homes to know what other diabolical things you have done to me while I was having a very fragile pregnancy.)"

Ang tanging inamin ni Jomari ay totoong karelasyon nito ngayon ang "first love" nitong si Priscilla Almeda, na unang nakilala sa screen name na Abby Viduya.

Ayon kay Jomari, hindi totoo ang alegasyong may naiwang asawa at pamilya si Priscilla sa Canada.

Sa bersyon ng kuwento ni Joy, inilahad niya na isang "concerned citizen" ang nagkuwento na nang umalis ng Canada si Priscilla noong October ay inihatid pa ito sa airport ng asawa nito.

Kaya ikinagulat na lang daw ng asawa ni Priscilla nang makarating dito ang relasyon ng huli at ni Jomari.

ALLEGED LACK OF FINANCIAL SUPPORT

Sa pagpapatuloy ng Instagram post ni Joy, nilinaw niyang wala na siyang pakialam sa love life ni Jomari.

Continue reading below ↓

Ang tanging hiling niya ay sundin umano ni Jomari ang napagkasunduan nilang financial support ng aktor sa dalawa nilang anak.

"I don't really care anymore about all the justifications you wanna come up with. You have already left me in pieces.

"All I'm after now is for me and my boys to be left in peace.

"That includes the peace of not having to beg for the things we need.

"The set up had been established.

"There's no need to alter it to our disadvantage just because u opted to leave us to be with another woman."

Continue reading below ↓

Una nang inihayag ni Joy na bahagi ng sustento ni Jomari ang grocery items na "baby stuff, food, at toiletries" nilang mag-iina.

Liban pa ito sa cash allowance na sakto lamang daw sa gastusin para sa kanilang one-year-old son at hindi na nadagdagan ngayong mayroon silang three-month-old baby.

Inirereklamo rin ni Joy na hanggang ngayong "pinatapon" sila sa Quezon City mula sa tirahan nila sa Parañaque City ay hindi pa ibinibigay ni Jomari ang sasakyan nitong Starex van na napagkasunduan nila noon.

Isa-isang inilista ni Joy ang mga umano'y financial responsibilities ni Jomari (published as is):

"My statements have been firm and consistent. With all the other agreements remaining constant, there are only 3 items I've been requesting from the start of this mayhem:

"1. The public can check here in Victorville Townhomes in Tandang Sora, QC to see for themselves if we have our own transportation service that we can use anytime as claimed. I'm afraid in case of emergency, we can't even flee right away, risking the babies.

Continue reading below ↓

"2. The set up and the contents of our grocery items have been the same since the start. The public may come and check if the items sent to us recently are still identical to the old set or there are items deliberately removed from the list to cause inconvenience.

"3. The allowance for November hasn't been completely given considering its already December. Prompt and punctual sending of allowance has been requested to no avail."

JOY'S MESSAGE FOR JOMARI

Naging bukas din sa pagsasabi si Joy na nagsimula siyang gipitin ni Jomari sa ibinibigay nitong sustento dahil sa bago nitong karelasyon.

Hindi lang daw niya matanggap na habang panay ang luho diumano ni Jomari ay pinababayaan nito ang responsibilidad nito bilang ama ng dalawa nilang anak.

"I don't understand what part of this constant and long-standing arrangement of ours became exceedingly incomprehensible to you since u started living away from the little boys and living with another woman.

Continue reading below ↓

"Is education or lack thereof starting to take its toll?

"In the spirit of humanity, Just keep the arrangement as is...please stop making things more difficult for us.

"In this family, the light is still here trying so hard to brighten up the lives of the boys left in it even though the walls collapsed. Think about that."

Continue reading below ↓

Aminado si Jomari na hindi pa niya naibibigay kay Joy ang Starex van niya dahil hindi pa sila nakakapag-usap.

Hindi naman nagdetalye si Jomari hinggil sa financial support at iba pa niyang obligasyon na hinihingi ni Joy.

Nabanggit din ni Jomari na 2018 pa sila nagkahiwalay ni Joy.

Sa Instagram posts ni Jomari, noong November 2018 ay may sweet picture pa sila ni Joy na tinawag ng aktor na "my love."

May family pictures pa sila na kuha noong first birthday celebration ng kanilang panganay na anak nitong July 2019.

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga nabanggit na personalidad sa artikulong ito.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joy Reyes reiterates Jomari Yllana's alleged womanizing and lack of financial support for their two sons.
PHOTO/S: @joyfullyenjoyingjoy / @jomariyllana Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results