Gazini Ganados makes it to the Top 20 of Miss Universe 2019

by Bernie V. Franco
Dec 9, 2019
Philippine bet Gazini Ganados enters Top 20 of Miss Universe 2019 pageant.

Pasok sa Top 20 si Gazini Ganados, ang pambato ng Pilipinas, sa Miss Universe 2019 pageant.

Kasalukuyang ginaganap ang international beauty pageant sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia, USA, ngayong Linggo ng gabi, December 8 (Lunes ng umaga, December 9, Philippine time).

Ang Top 20 semifinalists ay hinati-hati base sa kinabibilangan nilang region, tiglilima bawat region.

Ang huling lima o wildcard ay manggagaling sa kahit na anong region.

Kabilang si Gazini sa wildcard semifinalists, kasama ang mga kandidata mula sa Venezuela, India, Brazil, at Colombia.

Mula sa Africa-Asia Pacific, nakapasok ang mga kandidata mula sa South Africa, Indonesia, Vietnam, Nigeria, at Thailand.

Mula sa Europe, pasok ang mga kandidata mula sa Albania, France, Iceland, Croatia, at Portugal.

Mula naman sa Americas, kabilang sa mga nakapasok ang mga kandidata mula sa Puerto Rico, Peru, Dominican Republic, Mexico, at USA.

Sa susunod na round, magpapakitang gilas ang 20 semifinalists sa kanilang opening statements.

Continue reading below ↓

Mula sa 20, pipiliin ang Top 10 na uusad sa swimsuit at evening gown competitions.

Ang Miss Universe 2019 ay magsusuot ng bagong korona—ang Power of Unity crown na nagkakahalaga ng $5 million o humigit-kumulang PHP250,000,000.

Ang reigning Miss Universe na si Catriona Gray ng Pilipinas ang magpapasa ng korona sa bagong Miss Universe.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Philippine bet Gazini Ganados enters Top 20 of Miss Universe 2019 pageant.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results