South Africa wins Miss Universe 2019

by Bernie V. Franco
Dec 9, 2019
South Africa's Zozibini Tunzi is crowned Miss Universe 2019. Miss Universe 2018 Catriona Gray passes on the crown to the new winner.
PHOTO/S: Photo from Twitter

Si Zozibini Tunzi ng South Africa ang kinoronahang Miss Universe 2019 .

Ginanap ang grand coronation sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia, USA, Linggo ng gabi, December 8 (Lunes ng umaga, December 9, sa Pilipinas).

Hinirang namang first runner-up si Madison Anderson ng Puerto Rico at second runner-up si Sofia Aragon ng Mexico.

Ang tatlo ay sumabak sa huling round ng question-and-answer portion ng kumpetisyon.

Sila ay pinili sa mula Top 5: Mexico, Thailand, Colombia, Puerto Rico, at South Africa.

Ang Top 5 naman ay pinili mula sa Top 10: USA, Colombia, Puerto Rico, South Africa, Peru, Iceland, France, Indonesia, Thailand, and Mexico.

Sa unang round ng pageant ay pinili ang Top 20 semi-finalists: South Africa, Indonesia, Vietnam, Nigeria, Thailand, Albania, France, Iceland, Croatia, Portugal, Puerto Rico, Peru, Dominican Republic, Mexico, USA, Philippines, Venezuela, India, Brazil, Colombia.

Ang korona ay ipinasa ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ng Pilipinas.

Continue reading below ↓

Si Miss South Africa ang nagsuot ng bagong crown ng Miss Universe, ang Power of Unity na nagkakahalaga ng $5 million o may PHP250,000,000.

Zozibini Tunzi ang ikatatlong South African na nanalong Miss Universe.

Sinundan niya sina Margaret Gardiner noong 1978 at Demi-Leigh Nel-Peters noon lamang 2017.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
South Africa's Zozibini Tunzi is crowned Miss Universe 2019. Miss Universe 2018 Catriona Gray passes on the crown to the new winner.
PHOTO/S: Photo from Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results