Jane de Leon inaming gusto nang sumuko sa pag-aartista noon

by Noel Orsal Text: Rommel R. Llanes
Dec 8, 2019
Ani Jane de Leon, marami raw siyang ginawang sakripisyo para sa role niya ngayon bilang Darna.
Video: Noel Orsal.

Ikinuwento ni Jane de Leon kung paanong muntik na siyang sumuko sa pag-aartista dahil sa tagal dumating ng kanyang big break.

Aniya, nagsimula siya sa showbiz bilang ekstra sa edad na 15 at nanatiling paekstra-ekstra at support sa mga proyekto hanggang sa dumating sa kanya ang kanyang big break sa edad na 20.

Nag-celebrate siya ng kanyang 21st birthday nung Nobyembre.

Si Jane ang napiling bagong Darna matapos na umatras mula sa proyektong ito si Liza Soberano

Nasa kalagitnaan ng pagte-training si Liza para sa role ng Darna nang magka-finger injury ito at kinailangang umatras na mula sa proyekto sa kanya ng ABS-CBN para maoperahan ang napinsala niyang daliri.

Si Jane ang napili ng ABS-CBN executives mula sa maraming pinagpiliang young actresses para gumanap sa papel ng Filipina superhero na ginampanan na noon ng mga sumikat na aktres tulad nina Vilma Santos, Angel Locsin, at Marian Rivera.

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results