Gazini Ganados mistakenly announced as Best National Costume winner in Miss Universe 2019?

by Bernie V. Franco
Dec 9, 2019
Netizens air disappointment over "wrong announcement" that the Philippines won Best National Costume in the Miss Universe 2019. Host Steve Harvey clarifies that he was just reading what was written in the teleprompter. Malaysia was the real winner in the category.
PHOTO/S: @gazinii on Instagram

Ikinadismaya ng ilang netizens ang tila pagkakamali ng host na si Steve Harvey sa pag-anunsiyo na si Gazini Ganados ng Pilipinas ang nanalo ng Best National Costume sa Miss Universe 2019.

Sa segment bago rumampa ang Top 10 sa swimsuit competition, in-announce ni Steve ang nanalo sa Best National Costume.

“Here’s a look at the winner, Philippines,” sabi ni Steve.

Makikita ring nag-flash sa screen sa likod ang larawan ni Gazini suot ang kanyang Philippine eagle-inspired costume na likha ni Cary Santiago.

Continue reading below ↓

Pero ang katabi ni Steve ay si Miss Malaysia, suot ang kanyang Malacca-inspired national costume.

Pagputol ni Miss Malaysia sa pagsasalita ni Steve, “It’s not Philippines, it’s Malaysia…”

Ang dating nito sa mga nanonood ay si Miss Malaysia ang tunay na nanalo ng Best National Costume.

Ginanap ang grand coronation ng Miss Universe 2019 sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia, USA, Linggo ng gabi, December 8 (Lunes ng umaga, December 9, sa Pilipinas).

Continue reading below ↓

Inirampa naman ng 90 candidates ang kanilang national costumes sa prelims na ginanap sa Marriott Marquis sa Atlanta, Georgia, USA, noong Sabado, December 7 (Biyernes, December 6, Philippine time).

NETIZENS DISMAYED BY THE MISTAKE

Hindi ikinatuwa ng ilang netizens ang nangyari sa announcement ng Best National Costume.

Tweet ng ilan, tila sinadya ng organisasyon ang nangyari.

Tinawag din nila itong “mockery” batay na rin sa nangyaring maling announcement ni Steve noong Miss Universe 2015 pageant.

Kahit ang Kapamilya host na si Bianca Gonzalez ay nalito.

Tweet niya: "Wait sorry am still confused. So why did Steve Harvey announce that Philippines won Best National Costume, and it was Gazini in the photo on screen, but it was Malaysia who was physically beside him? Miscomm ba? Prank ba? #MissUniverse2019

Continue reading below ↓

Narito ang ilan sa mga galit na tweet ng netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

STEVE HARVEY EXPLAINS IT’S NOT HIS FAULT

Nagpaliwanag naman si Steve sa nangyaring pagkakamali.

Aniya, binasa lamang niya ang nakasulat sa teleprompter.

Paglilinaw niya, “I just read that in the teleprompter.

“Ya’ll gotta quit doing this to me, I can read… instead, now they tryin’ to fix it.

“See, this what they did to me back in 2015, played me short like that.”

Ang tinutukoy ni Steve ay ang nangyaring pagkakamali noong Miss Universe 2015, kung saan siya rin ang host.

Sa halip kasing i-announce na si Pia Wurtzbach ng Pilipinas ang nanalo, ang tinawag niya ay si Ariadna Gutierrez ng Colombia.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik sa stage si Steve upang itama ang pagkakamali.

Depensa niya, binasa lamang niya kung ano ang nasa teleprompter na inconsistent naman kung ano ang nakasulat sa papel na hawak niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens air disappointment over "wrong announcement" that the Philippines won Best National Costume in the Miss Universe 2019. Host Steve Harvey clarifies that he was just reading what was written in the teleprompter. Malaysia was the real winner in the category.
PHOTO/S: @gazinii on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results