Did Bianca Umali, Ruru Madrid just exchange "I love you's" on Instagram?

by Rachelle Siazon
Dec 9, 2019
"Harot pa more" writes one netizen in response to Bianca Umali and Ruru Madrid's exchange of kilig messages on Instagram.
PHOTO/S: Annette Gozon-Valdes Facebook

"I love you" nga ba ang pahiwatig nina Bianca Umali at Ruru Madrid sa kanilang mensahe sa isa't isa?

Ito ang espekulasyon ng ilang netizens matapos ang palitan ng comments ng rumored couple sa Instagram.

Nag-ugat ito sa Instagram post ni Ruru nang magdiwang ang aktor ng ika-22 kaarawan noong December 4.

Continue reading below ↓

Isa si Bianca sa celebrities na nag-iwan ng kissmark emoji bilang birthday greeting kay Ruru.

Comment ni Bianca, "I You, [kissmark emoji]"

Tila kinilig na reply ni Ruru, "@bianca i you [monkey covering eyes emoji]"

Kung anuman ang pakahulugan ng rumored couple sa kanilang comments, malinaw na patuloy pa rin silang nagkakamabutihan.

Continue reading below ↓

NETIZENS' REACTIONS

Pati ang kanilang supporters ay kinilig sa simpleng mensahe nina Bianca at Ruru.

Continue reading below ↓

May mga netizens din ang tinukso sina Bianca at Ruru na "harot pa more."

Habang ang iba ay nagtanong kung opisyal na ba talagang magkarelasyon ang dalawang Kapuso stars.

Continue reading below ↓

NO LABEL ROMANCE?

August 2018 pa lang ay nasubaybayan na ng netizens ang paglabas-labas nina Bianca at Ruru.

Namataan na silang nagbakasyon sa Siargao at sinasabing mayroon silang matching rose tattoos.

Dalawang beses na ring naulat kung paano kiligin ang common friends nila kapag may duet silang love songs sa mga dinadaluhan nilang private parties.

Pero parehong mailap sina Bianca at Ruru sa tuwing natatanong ng entertainment press kung may relasyon na nga ba sila.

Hanggang sa noong November 5, nasangkot sila sa kontrobersiyal na "parking lot incident" na diumano'y nag-ugat sa selosan.

Ayon sa ulat ng Cabinet Files, ilang sources ang nagsabing muntik umanong masagasaan si Ruru nang magkaengkuwentro ito at si Bianca pagkatapos ng premiere night ng pelikulang Cara X Jagger.

Dalawang gabi makalipas ang insidente, sabay na dumalo ang rumored couple sa thanksgiving party ng kanilang home network.

Nakunan pa sila ng litrato na magkayakap at todo-ngiti na wari'y hindi iniinda ang naulat na alitan sa pagitan nila.

Continue reading below ↓

Pero wala pa ring pormal na pag-amin sina Bianca at Ruru kung sila na.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Harot pa more" writes one netizen in response to Bianca Umali and Ruru Madrid's exchange of kilig messages on Instagram.
PHOTO/S: Annette Gozon-Valdes Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results