Actor Mico Palanca passes away at 41

by Rachelle Siazon
Dec 9, 2019
Mico Palanca, Bernard Palanca's younger brother, passes away at 41.

Pumanaw na ang aktor na si Mico Palanca sa edad na 41.

May mga lumalabas na espekulasyon tungkol sa detalye ng pagpanaw ni Mico, ngunit wala pang opisyal na pahayag ang kanyang pamilya.

Unang lumabas ang impormasyon hinggil sa pagpanaw ni Mico nang magpaabot ng pakikiramay ang Film Academy of the Philippines (FAP) sa naiwang pamilya ng aktor.

Sabi sa Facebook post ng FAP:

Continue reading below ↓

Ang dating handler ni Mico sa Star Magic na si Monch Novales ay nagbahagi rin ng mensahe hinggil sa pagpanaw ng aktor.

"I will miss you miko! I love you forever," saad ni Monch.

View this post on Instagram

I will miss you miko! I love you forever ????????????

A post shared by Monch Novales (@monchnovales) on

Isa sa mga nag-comment dito ay ang Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo, na nag-iwan ng praying emoji.

Continue reading below ↓

Si Mico ay dating bahagi ng ABS-CBN talent management na Star Magic.

Una siyang nakilala bilang artista sa ABS-CBN programs tulad ng weekly teen-oriented show na Tabing Ilog.

Lumabas din siya sa K2BU (2000), Kay Tagal Kang Hinintay (2002), at It Might Be You (2003)—na pawang mga pinagbidahan ng naging karelasyon niyang si Bea Alonzo.

Ilan sa mga huling short acting stint ni Mico ay sa ABS-CBN series na FPJ's Ang Probinsyano (2016) at Nang Ngumiti Ang Langit (2019).

Isa sa mga naulila ni Mico ay ang nakatatanda niyang kapatid at aktor na si Bernard Palanca.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng opisyal na pahayag si Bernard sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe rito, pero hindi pa ito sumasagot at press time.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mico Palanca, Bernard Palanca's younger brother, passes away at 41.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results