Vice Ganda recalls past misunderstanding with Coco Martin

by Bernie V. Franco
Dec 10, 2019
Vice Ganda on pat misunderstanding with Coco Martin: "Very minimal. Actually, tampuhan na hindi kami nag-usap, nag-artihan kaming dalawa."
PHOTO/S: Noel Orsal /@mrcocomartin on Instagram

Nagbalik-tanaw si Vice Ganda tungkol sa naging tampuhan nila noon ni Coco Martin.

Sina Vice at Coco ay magkaibigan na kahit nagsisimula pa lamang sila sa showbiz hanggang ngayong dalawa sila sa pinakamalaking artista ng ABS-CBN.

Nagbigay ng detalye si Vice tungkol sa nakaraang misunderstanding nila ni Coco sa press conference ng The Mall, The Merrier, ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 entry nina Vice at Anne Curtis.

Ginanap ang presscon sa Dolphy Theatre ng ABS-CBN Compound, Quezon City, nitong Lunes, December 10.

Video: Bernie Franco.

“Kailan ba yung Beauty and the Bestie?” simula ni Vice tungkol sa pinagsamahan nilang MMFF entry ni Coco noong 2015.

“Nagkatampuhan kami nung… pero hindi dahil yung… hindi right away, hindi right after [ng Beauty and the Bestie].

“Nagkatampuhan kami nung gagawa kami ng pelikula nung susunod na filmfest.”

Ang sumunod nilang MMFF entries ay noong 2017: Gandarrappido: The Revenger Squad ni Vice at Ang Panday ni Coco Martin.

Continue reading below ↓

Sabi ng It’s Showtime host, hindi naman ito malaking away.

“Pero very minimal. Actually, tampuhan na hindi kami nag-usap, nag-artihan kaming dalawa.

“Yung may mga tampo ako sa kanya, ‘tapos sinasabi ko lang sa mga common friends namin, 'tapos siya rin.

“Yung ipinararating namin sa ibang tao yung tampo namin.

“'Tapos pag nagkita kami, wala…

"Yung mga kaibigan namin, parang, ‘Sira-ulo yung dalawang ‘to. Okay naman sila, pero andami nilang chika.’

"Kanya-kanya kayong sumbungan.

“Ganoon na yung relationship namin ni Coco.”

COCO AGREES TO BE SECOND TO VICE in mmff 2019

Nagkuwento rin si Vice tungkol sa pagkikita nila ni Coco sa isang restaurant noong November, kung saan nagpalibre pa siya sa Ang Probinsyano star.

Kinumusta raw ni Coco ang pelikula ni Vice sa darating na MMFF, ganoon din ang ginawa ni Vice.

May entry rin si Coco sa MMFF 2019, ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, kasama sina Jennylyn Mercado at Ai-Ai delas Alas.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Vice, "'Alagaan mo ‘tong film fest,’ sabi niya sa akin.

“Sabi niya, ‘Ako, okay na akong sumusunod sa pelikula mo, na first runner-up lagi.’

“Sabi kong ganoon, ‘Uy, hindi naman.’

"Sabi ko, ‘Okay din ang first runner-up,’” may halong birong sabi ni Vice.

Kinumusta rin daw ni Coco si Vice tungkol sa kanyang kalusugan.

“Sabi ko nga, ‘Ikaw nga ang gusto kong kamustahin. Ikaw ba humihinga ka pa ba? Nagdidirek ka ng Probinsyano, nagdidirek ka ng pelikula mo, ikaw din ang producer, ikaw din ang artista, ikaw na lahat, 'tapos ikaw din manonood, di ba?’

“Sabi ko, ‘Nagwo-worry ako sa 'yo lagi.’”

Dagdag ni Vice, “Kaya ang saya na nagkita lang kami.

“Hindi nawawala yung love, concern namin sa isa’t isa.

“Kasi nung nagsimula kami dito, ganoon kami, e.”

Pagbabalik-tanaw ng comedian-host, nang magkaroon ng teleserye si Coco sa ABS-CBN at siya raw ang unang tinawagan nito.

Si Coco rin daw ang unang tinawagan ni Vice nang makuha ito bilang host ng It’s Showtime.

Continue reading below ↓

“Magkasama talaga kaming dalawa sa lahat ng ginagawa namin,” ani Vice.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on pat misunderstanding with Coco Martin: "Very minimal. Actually, tampuhan na hindi kami nag-usap, nag-artihan kaming dalawa."
PHOTO/S: Noel Orsal /@mrcocomartin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results