Priscilla Almeda: "I’m not a homewrecker."

by Arniel C. Serato
Dec 10, 2019
Priscilla Almeda reacts to bashers of her relationship with Jomari Yllana: "There's wasn't a home to wreck because they were separated na."
PHOTO/S: PEP Source

Inalmahan ni Priscilla Almeda ang mga komentong nababasa niya na diumano'y isa siyang homewrecker.

Ito ay kasunod ng paglantad nila ni Jomari Yllana na may relasyon sila at nagsasama na ngayon.

Pahayag ni Priscilla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Martes, December 10, "Ang sama ng mga comments, iniisip nila homewrecker ako.

"Hindi naman kasal si Jom at Joy."

Ang tinutukoy ni Priscilla ay si Joy Reyes, na dating live-in partner ni Jomari.

Mayroong dalawang anak na lalaki sina Jomari at Joy.

Ayon kay Priscilla, taong 2018 pa naghiwalay sina Jomari at Joy, kaya wala siyang naapakang relasyon.

"I'm not a homewrecker because there wasn't a home to wreck.

"There wasn't a home to wreck because they were separated na."

Mensahe pa ni Priscilla sa bashers: "Everybody is entitled to their own opinion.

"But if you look at the facts, kami ni Jomari, we're very much single, na puwede kaming magiging together.

Continue reading below ↓

"I entered the picture, wala na sila.

"And his responsibilities with his kids, ginagampanan naman niya."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Priscilla Almeda reacts to bashers of her relationship with Jomari Yllana: "There's wasn't a home to wreck because they were separated na."
PHOTO/S: PEP Source
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results