Jasmine Curtis Smith, Gabby Padilla react to viral kidnapping video

Dec 10, 2019
In separate tweets, actresses Jasmine Curtis Smith (left) and Gabby Padilla (right) react to viral video of a kidnapping incident in Makati City that happened on Monday night, December 9.
PHOTO/S: @jascurtissmith, @gabbypadilla on Instagram

Idinaan sa Twitter nina Gabby Padilla at Jasmine Curtis-Smith ang magkaiba nilang reaksiyon sa viral ngayong video ng pag-kidnap sa isang babae sa Makati City.

Lunes ng gabi, December 9, nang kumalat ang video ng isang babaeng nagsisisigaw habang pilit na isinasakay sa isang van, hanggang sa tuluyang matangay.

Martes ng madaling-araw, December 10, nag-tweet si Gabby: “Didn’t he promise you safer streets?”

Hindi malinaw kung sino ang tinutukoy ng 24-anyos na aktres sa kanyang tweet.

Gayunman, sa sumunod na tweet ni Gabby ay ibinahagi niya ang dalawang paragraph ng hindi credited na lumang news report, na may quote mula kay House Speaker Alan Peter Cayetano.

Sa report, ipinaalala ni Cayetano ang ipinangako nila ni Pangulong Rodrigo Duterte na, “By January 1, 2017, hindi safe ang ating mga kalye, kami ay magre-resign.”

Nag-viral ang tweet ni Gabby, na mayroon nang mahigit 10,000 retweets at 36,000 likes at press time.

Si Gabby ay napanood sa mga pelikulang Bille and Emma at Eerie.

Continue reading below ↓

JASMINE REMINDS PUBLIC TO STAY SAFE

Madaling-araw rin ng Martes nang mag-tweet si Jasmine kaugnay ng kidnapping video.

Sa post ng aktres, pinaalalahanan niya ang kanyang 2.5 million Twitter followers na maging mapagmatyag at laging mag-ingat.

Pinayuhan din niya ang mga ito na ugaliing magbitbit ng pepper spray o anumang maaaring gamiting self-defense.

Tweet ni Jasmine: “Please stay safe. Be aware. Bring pepper spray or anything that is similar (pensive face emoji)”

Sumang-ayon sa 25-year-old actress ang ilan niyang followers, na nagsipag-suggest ng iba pang mga magagamit upang maprotektahan ang sarili laban sa krimen.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

KIDNAPPED VICTIM IS A CHINESE POGO WORKER

Samantala, kinumpirma ng Makati City Police sa media na isang Chinese national na empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang babaeng biktima.

Kinilala ang biktimang si Zhou Mei, 28, batay sa mga dokumento nitong naiwan sa lugar ng krimen.

Ayon kay Makati City Police Investigation Unit Chief Major Gideon Ines Jr., Chinese nationals din ang tatlong hindi pa nakikilalang lalaki na sapilitang nagsakay sa biktima sa isang Kia Carnival sa Barangay San Lorenzo, Makati City.

Bagamat wala pang malinaw na motibo sa krimen, sinabi ni Major Ines na kinumpirma ng live-in partner ni Zhou na nanghihingi ng ransom ang mga suspek.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In separate tweets, actresses Jasmine Curtis Smith (left) and Gabby Padilla (right) react to viral video of a kidnapping incident in Makati City that happened on Monday night, December 9.
PHOTO/S: @jascurtissmith, @gabbypadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results