Vice Ganda confident Ion Perez truly loves him

by Bernie V. Franco
Dec 11, 2019
Vice Ganda says he is sure of Ion Perez's love for him. "Mahal ako ng taong ito. Kasi, kaya niya akong panindigan."
PHOTO/S: Noel Orsal

“Masaya yung puso ko. In love ako.”

Ito ang pahayag ni Vice Ganda, 43, hinggil sa relasyon nila ni Ion Perez, 29.

Isang taon na ang kanilang relasyon.

Kinontra rin ni Vice ang mga kumukuwestiyon sa totoong intensiyon ni Ion sa kanya.

May ilan kasing pinagdududahan si Ion at nagsasabing pera lang ang habol nito sa It’s Showtime host.

Una nang nilinaw ni Ion na tunay ang pagmamahal niya kay Vice.

VICE GANDA IS SURE OF ION’S LOVE

Sa press conference ng MMFF 2019 entry na The Mall, The Merrier sa Dolphy Theatre, ABS-CBN Compound, Quezon City, nitong December 9, Lunes, ibinahagi ni Vice kung paano niya napatunayang totoo ang pagmamahal sa kanya ni Ion.

Kasama rin sa pelikula si Ion na pinagbibidahan nina Vice at Anne Curtis.

Kuwento ni Vice, “Ang hindi ko makakalimutan kay Ion, nung nagtanong siya kung bakit hindi puwedeng sabihin yung tungkol sa aming dalawa.

Continue reading below ↓

“Sabi niya, ‘Bakit hindi puwedeng sabihin? Ba’t di puwedeng aminin?’

“Hindi niya matanggap na bakit hindi natin puwedeng sabihin.

“Nung sinabi niya sa ‘kin yun, naramdaman ko yung nararamdaman niyang sakit.

"At na-realize ko, kung hindi ako mahal ng taong ito, hindi siya masasaktan na itinatago namin ang isa’t isa.

“Kasi kung wala lang rin naman ito, okay lang yun, e, 'Itago natin, di ba? Wala naman akong nararamdaman, e. Ang mahalaga, nagkakaunawaan tayo.'”

Ipinaliwanag ng It’s Showtime host ang kaibahan ni Ion sa mga dati niyang nakarelasyon.

“Kasi ganoon ang naging sistema ng mga taong minahal ko in the past.

“Parang okay lang sa kanila yung ganoong set-up, ‘O, sige, magdyowa tayo. Mahal natin ang isa’t isa, kuning-kuning, pero tayo lang ang nakakaalam.'”

Iba raw si Ion.

“Pero siya, hindi siya papayag," sabi ni Vice.

“Dun ko na-realize na, ‘Ay, mahal ako ng taong ito.’ Kasi kaya niya akong panindigan.

Continue reading below ↓

“Siya lang yung may boses at dila na kayang ipagsigawan ang pangalan ko at sabihing may damdamin siya para sa ‘kin.

“Siya lang rin yung may kamay na kayang humawak sa akin kahit maraming nakatingin.

“Siya rin lang ang may kayang yumakap sa ‘kin kahit maraming nakatingin at hindi kami nagtatago sa dilim.

“Kaya nung ginawa niya sa akin yun, totoo na ‘to.

“Hindi na ito katulad ng dati nagse-settle lang ako, parang lang hindi zero, para lang masabing may dyowa ako.

“Kasi ang daming nagsasabi, ‘Mayaman ka, sikat ka, pero hindi ka magiging masaya kasi wala namang magmamahal sa ‘yo.'

“At ngayon, napatunayan ko maling-mali sila, kasi may taong totoong nagmamahal sa akin.

“At siguradong-sigurado...”

Paniniyak pa ng comedian-TV host, “This time, yung taong in love ako, mahal din ako.

“Kasi maraming pagkakataon in the past na may mga minahal din ako, pero hindi naman ako minahal.

“May mga taong pinili ko, pero hindi naman ako pinili.

Continue reading below ↓

“Ngayon, mas masaya, kasi yung taong pinili ko, pinili din ako.”

ON WEDDING PLANS

Natanong din sina Vice at Ion kung sa loob ba ng isang taong relasyon nila ay napag-uusapan na nila ang kasal.

“Wala. Yung kasal for now, we’re just enjoying the relationship, savoring everything that’s so beautiful and tasteful!” sabay tawa ni Vice.

Mas seryoso namang sagot ni Ion, “Hindi po ako nagsasabi nang tapos, pero baka malay niyo po, mangyayari yun.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda says he is sure of Ion Perez's love for him. "Mahal ako ng taong ito. Kasi, kaya niya akong panindigan."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results