Ara Mina "happy" for Jomari Yllana, Priscilla Almeda

by Arniel C. Serato
Dec 11, 2019
Ara Mina hesitant to comment on ex-boyfriend Jomari Yllana's reconciliation with Priscilla Almeda.
PHOTO/S: Arniel Serato / PEP.ph Source

“I’m happy for them.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Ara Mina sa balitang nagkabalikan na ang ex-boyfriend niyang si Jomari Yllana sa first love nitong si Priscilla Almeda.

Hangga't maaari ay ayaw sanang magkomento ni Ara tungkol sa bagong relasyon ni Jomari.

Ngunit napakiusapan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara nang matiyempuhan namin siya sa isang mall sa Ortigas Center, Mandaluyong City, kagabi, November 11.

Sabi ni Ara, “Grabe, dapat hindi na ako nagku-comment diyan.

“Well, it’s their life, and I don’t want to comment anything.

“Ang sa akin kasi, kung saan ka masaya, go.

“I’m happy for them.”

Dekada ’90 unang nagkaroon ng relasyon sina Jomari at Priscilla, na kilala pa noon sa pangalang Abby Viduya.

Si Ara naman ay nakarelasyon ni Jomari noong unang bahagi ng 2000.

Ayon pa sa mga bulung-bulungan noon, nagkaroon daw ng relasyon sina Ara at Jomari bago pa man tuluyang naghiwalay ang aktor at ang dating asawa nitong si Aiko Melendez.

Continue reading below ↓

Nagkamabutihan daw sina Ara at Jomari sa set ng pelikulang Sagad sa Init (1998) at sa palabas nila sa telebisyon na Kiss Muna.

Pero nagkahiwalay rin ang dalawa makalipas ang ilang taong relasyon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina hesitant to comment on ex-boyfriend Jomari Yllana's reconciliation with Priscilla Almeda.
PHOTO/S: Arniel Serato / PEP.ph Source
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results