Is Bea Alonzo's prayer on Instagram for late ex-boyfriend Mico Palanca?

by Bernie V. Franco
Dec 12, 2019
Actress Bea Alonzo posts on Instagram a prayer for the grieving. Netizens believe that it is dedicated to Bea's ex-boyfriend Mico Palanca, who passed away on December 8.
PHOTO/S: Noel Orsal / File Photo

Para sa yumao ba niyang ex-boyfriend na si Mico Palanca ang ibinahaging dasal ni Bea Alonzo sa Instagram?

Ito ang katanungan ng ilang followers ng 32-year-old Kapamilya actress matapos mabasa ang kanyang Instagram post nitong December 11, Miyerkules.

Isa itong dasal para sa mga taong nagluluksa at may pinagdadaanan.

Caption ni Bea:

“I just want to keep still and quiet for a moment and let the universe unfold its mystery.

“My prayers go out to the ones grieving and going through tough times. Love and light. [praying hands emoji]”

Kasunod nito ang isang Bible passage:

“’Blessed are those who mourn, for they will be comforted’ Matthew 5:4”

Kalakip ng post ni Bea ang larawan ng mga baso at kandila kung saan maaaninag ang mukha ng aktres.

Continue reading below ↓

POST FOR MICO PALANCA?

Hindi tinukoy ni Bea kung para saan o kanino ang kanyang post, pero marami sa mga nagkomento ang naniniwalang para ito sa yumaong aktor na si Mico Palanca at sa mga naiwan nitong mahal sa buhay.

Si Mico ay dating boyfriend ni Bea.

Pumanaw si Mico sa edad na 41 noong December 8, Linggo.

Narito ang ilang komento ng netizens sa post ni Bea:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sina Bea at Mico ay nagkatrabaho sa ilang proyekto sa ABS-CBN.

Kabilang na rito ang youth-oriented show na K2BU (2000) at mga teleseryeng Kay Tagal Kang Hinintay (2002) at It Might Be You (2003).

Sa isang PEP article noong December 2006, ikinuwento ni Mico na nagsimula ang pagkakamabutihan nila ni Bea sa set ng It Might Be You, ang teleseryeng pinagbidahan nina Bea at John Lloyd Cruz.

Lahad ng aktor, "We were working together, 'tapos even after when our show ended, we would still keep in touch.

"We never labeled whatever it is we have now. We're more than friends. We're dating.

"But it just started happening more and more these past couple of months. We've been seeing each other a lot more."

Noong mga panahong iyon din ay inamin ng dalawa na exclusively dating sila.

Sabi noon ni Mico, "I've always been a private person kasi, e.

"But, you know, I just felt na there's no point in hiding anything because we're both very happy."

Continue reading below ↓

Sa interview naman ni Bea sa YES! Magazine noong 2013, ikinuwento ng aktres na apat na taon siyang niligawan ni Mico.

Naghiwalay sila noong 2008.

Sinabi ni Bea na isa sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang mga hindi pagkakaunawaan dulot ng kanilang 10-year-age gap.

Nakalagak ang mga labi ni Mico sa Arlington Memorial Chapels sa G. Araneta Avenue, Quezon City.

Nakatakda naman ang cremation ng kanyang mga labi bukas, December 13.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Bea Alonzo posts on Instagram a prayer for the grieving. Netizens believe that it is dedicated to Bea's ex-boyfriend Mico Palanca, who passed away on December 8.
PHOTO/S: Noel Orsal / File Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results