Lea Salonga thanks U2, "honored" to be part of HERstory tribute

Dec 13, 2019
Lea Salonga says she feels "honored" to be part of U2's HERstory tribute during the Irish rock band's concert on Wednesday, December 11.
PHOTO/S: @msleasalonga on Instagram

Nagpasalamat si Lea Salonga sa U2 matapos malamang kabilang siya sa mga Pinay na binigyang-pugay ng Irish rock band sa concert nito sa bansa nitong Miyerkules, December 11.

Sa Philippine Arena sa Bulacan idinaos ang kauna-unahang concert sa Pilipinas ng 43-anyos na banda, bilang bahagi ng kanilang The Joshua Tree Tour.

Sa pangunguna ng frontman na si Bono, tinugtog ng U2 ang kanilang mga awitin, kabilang ang “With or Without You,” “Still Haven’t Found What I’m Looking For,” “Vertigo,” at “Pride (In The Name of Love).”

Kasabay ng pagtugtog ng U2, makikita sa state-of-the-art digital effects sa wide screen sa entablado ang makukulay na imahe na may kaugnayan sa kinakanta ng Irish rock band.

Sa isang bahagi ng concert, binigyang-pugay ng U2—na kilala sa political activism at pagsusulong ng iba’t ibang adbokasiya—ang human rights, ang volunteers, ang mga mamamahayag, at ang kababaihan sa mundo.

Continue reading below ↓

U2 PAYS TRIBUTE TO WORLD’S female gamechangers

Sa pag-awit ni Bono ng “Ultra Violet (Light My Way),” ipinakita sa wide screen ang mga litrato ng kababaihang gamechangers sa kasaysayan.

Ang bahaging iyon ng tour ng U2 ay tinatawag na “HERstory,” kung saan iniaalay ng grupo ang “Ultra Violet” upang bigyang pugay ang mga dakilang babae sa mundo, para sa HERstory.

Kabilang sa mga binigyan ng tribute ng banda nitong Miyerkules ang ilang ilang Pinay tulad ni Lea, ng veteran journalist na si Maria Ressa, ng Grand Woman of the Revolution na si Melchora Aquino o Tandang Sora, ni dating Pangulong Cory Aquino, ni Senator Pia Cayetano, at ilan pa.

LEA REACTS: “WOW, I AM DEAD.”

Kinabukasan, Huwebes ng umaga, December 12, nag-tweet si Lea tungkol sa mga mensaheng natanggap niya mula sa ilang kaibigan tungkol sa concert ng U2.

Saad sa tweet ni Lea: “Woke up this morning to at least ten messages with photos because my photo was on the projection wall during U2’s Ultra Violet.

Continue reading below ↓

“Wow, I am dead.”

Nagpasalamat ang 48-anyos na international singer-thespian sa mga kaibigang nagparating sa kanya ng balita, gayundin sa U2.

Bahagi pa rin ng tweet ni Lea: “Thank you for those messages, friends, and thank you, U2 for including me! Honored!”

Sa comment section, binati si Lea ng kanyang Twitter followers, na nagsabing “deserving” siya sa natanggap na tribute.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Tinawag pa si Lea ng ilang netizens na “world-class talent” at “legend.”

Continue reading below ↓

MARIA RESSA “WAS SPEECHLESS”

Gaya ni Lea, sa Twitter din idinaan ni Maria Ressa, Rappler chief executive officer, ang reaksiyon niya sa tribute ni Bono.

Tweet ni Maria nitong Huwebes ng umaga: “I was speechless.”

Partikular na sinambit ni Bono ang mga salitang “For Maria Ressa,” bago niya inawit ang “Ultra Violet.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lea Salonga says she feels "honored" to be part of U2's HERstory tribute during the Irish rock band's concert on Wednesday, December 11.
PHOTO/S: @msleasalonga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results