Nicko Falcis arrested at NAIA; released after posting bail

by Arniel C. Serato
Dec 14, 2019
Nicko Falcis, Kris Aquino's former business partner, is arrested upon his arrival at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) on December 13.
PHOTO/S: Courtesy: @nix722 / @krisaquino on Instagram

#KrisAquinoVsNickoFalcis

Inaresto ng pinagsanib na operatiba ng Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) si Nicko Falcis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon ng umaga, December 13.

Ito ay may kaugnayan sa dalawang standing warrants of arrest na inilabas ng Taguig Regional Trial Court (Taguig-RTC) Branches 117 at 70 noon pang Marso. Para ito sa alegasyong estafa at credit card fraud o paglabag sa R.A. 8484 Section 9 (j) na ikinaso ni Kris Aquino laban kay Nicko.

Kalalapag lamang sa paliparan ni Nicko galing sa Thailand, kung saan doon siya namalagi nang matagal simula nang pumutok ang alitan nila ng dating business partner na si Kris.

Sinampahan ni Kris ng 44 counts of qualified theft si Nicko sa Office of The Prosecutor ng Taguig-RTC at sa pitong siyudad pa sa Metro Manila, noong October 12, 2018.

Diumano, gumastos si Nicko ng halagang PHP1.2M nang walang permiso gamit ang credit card na bigay sa kanya ni Kris bilang top executive ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).

Continue reading below ↓

Humihingi ang aktres/TV host/web star ng kabuuang danyos na PHP32.27 million.

Pero, mariing pinabulaanan ni Nicko ang akusasyon sa kanya ni Kris.

Giit niya, alam at aprubado ni Kris na ang credit-card expenses na nagkakahalaga ng PHP551,700.59 ay ginastos sa business trip ng KCAP team sa Hong Kong noong July 2018.

Inapela ni Atty. Regidor Ponferrada, ang abugado ni Nicko, sa Taguig Prosecutor’s Office na bawiin ng korte ang naturang warrants of arrest.

Saad ng abugado sa kanyang panayam noong Marso, “We've filed an Omnibus Motion before Branch 117 of the Metropolitan Trial Court of Taguig City, wherein we prayed for leave of court to file a Motion for Preliminary Investigation, for suspension on the ground of existence of a prejudicial question in a civil case, and/or to quash, defer the issuance of, or recall the warrant of arrest on the ground of absence of probable cause.

“A similar Omnibus Motion was filed before Branch 70 of the Regional Trial Court of Taguig City.

Continue reading below ↓

“We will verify if a warrant has been issued, but we hope the issuance of the same will be deferred in light of our motion.”

Nitong nakaraang Oktubre lamang, tinuldukan na ni Kris Aquino ang legal battle nila ni Nicko.

Wala pang pahayag ang kampo nina Nicko at Kris kung bakit meron pa ring standing warrants laban sa una kahit na inatras na ng huli ang kanyang mga kasong isinampa sa korte.

NICKO POSTS BAIL

Samantala, nakalabas na si Nicko sa pagkakadetine matapos itong magpiyansa ng PHP60,000 para sa access device case at PHP6,000 para sa estafa kagabi, December 13, sa Pasay night court.

Ayon sa ulat ni Ces Orena-Drilon sa ANCX, inasahan na raw ng Falcis family na siya ay maaaresto sa kanyang muling pag-apak sa bansa.

Sa kasunduan ng magkabilang panig, ang mga reklamong kinakaharap ni Nicko sa Taguig-RTC ay dapat naiatras na dalawang buwan matapos nilang magkapirmahan ng kasunduan.

Continue reading below ↓

Pero dahil palaging absent daw si Kris sa mga hearing kaya naantala ang proseso, at hindi naaksiyunan ng dalawang korte sa Taguig ang kasunduan.

Samantala, may karamdaman daw si Kris sa tatlong magkakasunod na hearing ayon sa kanyang kampo kaya hindi siya nakadalo.

Sa January 22, 2020 ang susunod na hearing para sa dalawang kaso.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig nina Kris at Nicko.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nicko Falcis, Kris Aquino's former business partner, is arrested upon his arrival at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) on December 13.
PHOTO/S: Courtesy: @nix722 / @krisaquino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results