Yasmien Kurdi graces PDEA Christmas event

by Rommel Gonzales
Dec 14, 2019
Beautiful Justice star Yasmien Kurdi was one of the celebrity judges in the PDEA's recent Belen-Making contest. The Kapuso actress plays a PDEA agent in the top-rating GMA-7 actionserye.
PHOTO/S: Instagram

Dahil ang tema ng Kapuso teleseryeng Beautiful Justice ay tumatalakay sa ongoing drug war, hindi nakapagtatakang mapansin at umani ito ng suporta mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa katunayan, bago pa man ito umere, nagbigay ang ahensya ng ilang tips sa mga lead stars nitong sina Yasmien Kurdi, Bea Binene, Gabbi Garcia at Derrick Monasterio para mas maging realistic ang pag-arte nila bilang PDEA agents.

At dahil nga sa magandang pakikitungo ng PDEA sa GMA-7 at sa mga Beautiful Justice stars, naimbitahan ang ilan sa mga ito para sumali sa ilang Christmas events ng ahensya.

Pinagkuwento ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yasmien Kurdi kung paano siyang nakuhang mag-judge ng Belen Making contest ng naturang ahensiya ng gobyerno.

Kuwento niya, “In-email ako ni Director General Aquino.

Kasi nga ay kilala niyang personal si PDEA Director General Aaron N. Aquino.

“Yes, kung okay lang ako mag-judge ng Belen Making Contest nila.

Continue reading below ↓

“Dapat ‘to nung bagyo dapat, pero kinansel nila 'tapos nire-sked nila nung… kailan nga ba 'to? Tuesday, Tuesday po.”

Ano ang pakiramdam na nag-level up na ang pakikitungo ng mga Beautiful Justice stars sa top officials ng PDEA?

Pagpuri niya, “Napakabait na tao ni Director Aquino and masaya nga sila dahil maganda yung pag-receive nila dun sa Beautiful Justice dahil nare-recognize yung mga sakripisyo nga ng mga PDEA agents..."

Continue reading below ↓

“Yung minsan nalalagay nga sa peligro ang mga buhay nila, and yung safety ng mga families nila.

"They sacrifice a lot of things for our country, for the society para mas mapabuti and maging safe tayo lahat.”

PROUD OF PDEA REHAB PROGRAMS

Aware ba si Yasmien na hanggang ngayon ay matindi pa rin ang problema sa droga na tila mahirap puksain kahit may PDEA?

Lahad niya, “Matindi, pero I think na-lessen naman din, compared sa… yung mga tulong na binibigay nila, like for example, yung mga batang solvent.”

Wala na ba itong mga batang ito?

Saad niya, “Meron pa rin naman, pero at least meron silang…

"Actually, meron silang orphanage sa Novaliches for batang solvent, so pinapaaral nila, pinapalaki nila ng maayos, instead na maging batang solvent, di ba?

"Makakatapos sila ng pag-aaral, nakakatuwa pag nalaman mo na ang isang professional in the future, batang solvent pala dati, di ba, yung mga ganun.

Continue reading below ↓

"Siyempre yun yung mga istoryang gusto mong marinig, na isa sa mga projects ng PDEA."

DOING WELL IN RATINGS GAME

Madalas ay lumalaban sa ratings game ang Beautiful Justice kahit malakas ang kalaban nilang programa. Ano ang masasabi ni Yasmien tungkol dito?

Pahayag niya, “Oo nga! Masaya ako sa ratings namin ngayon.

"Super saya namin sa ratings, and super saya namin dahil masaya at maganda ang pagtanggap ng mga tao sa Beautiful Justice at sa istorya namin.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beautiful Justice star Yasmien Kurdi was one of the celebrity judges in the PDEA's recent Belen-Making contest. The Kapuso actress plays a PDEA agent in the top-rating GMA-7 actionserye.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results