Aicelle Santos and Mark Zambrano plan Japan honeymoon

by Ruel J. Mendoza
Dec 14, 2019
Recently-married couple Aicelle Santos and Mark Zambrano plan to have their honeymoon in Japan when their work schedules permit.
PHOTO/S: Nice Print Photography / @iamcatatibayan on Instagram

Three weeks pa lang bilang Mrs. Mark Zambrano ang Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos.

Pag-amin niya, "Naku, hindi pa ako sanay na matawag na misis.

"Doon pa ako nag-a-adjust kasi for the longest time, tawag sa akin, Ms. Santos, di ba?

“Ngayon, Mrs. Zambrano. Minsan, nagugulat ako and then I realize na, 'Ay! Kasal na nga pala kami ni Mark!' Kaya natatawa ako sa sarili ko.

"Tsaka, there's something to look forward to every day. Parang ang sarap gumising araw-araw.

"Before noong single ako, tinatamad akong gumising sa umaga. Yung antok na antok ka pa at ayaw mong tumayo.

“Pero ngayon, iba ang pakiramdam na may katabi kang magigising sa umaga.

"At first, nagugulat pa ako. Nakakalimutan ko na may asawa na pala ako. Ngayon, may 'Good morning, Mahal' ka nang nasasabihan. Ang sarap lang sa pakiramdam knowing na kapag nagising ka, nandiyan siya sa tabi mo."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aicelle sa unveiling ng Kapuso Walk of Fame nitong nakaraang Huwebes, December 12, sa GMA Network Center, Quezon City.

Continue reading below ↓

PLANNING JAPAN HONEYMOON

Pero dahil sa kani-kanilang trabaho, hindi pa raw natutuloy ang kanilang honeymoon.

"Kasi, right after the wedding, may kanya-kanya kaming mga trabaho, like yung SEA Games. Nag-perform ako, 'tapos naging live commentator siya.

"So paplanuhin pa namin kapag hindi na kami masyadong busy.

"We plan to have our honeymoon in Japan. Para mas malapit lang tsaka we're big fans of Japanese food.

"Naisip din naming mag-Europe, pero nakapasyal na kami last year sa Europe. Sa Japan kasi, hindi pa kami nakakapagbakasyon na magkasama. Gusto rin namin kasi ang weather doon.

"Kahit saan naman, puwede kaming pumunta. Kahit dito lang sa Pilipinas, puwede kaming mag-honeymoon. Just as long na magkasama kayong dalawa, masaya na iyon!" tawa pa niya.

BABY PLANS

Next year nila plano na magka-baby dahil gusto muna nilang pag-ipunan ito.

"We're working on it. Gusto rin kasi namin yung makaipon kami bago kami magkaroon ng baby. Gusto namin secure na ang future niya.

Continue reading below ↓

"Pero kung maaga siyang dumating, e di mas masaya, di ba? Pero we're praying to God na sa pagpasok ng 2020 ay may baby na kaming darating.

"Actually, ang wish ko kambal, para isahang pagbuntis na lang. One boy and one girl para buo na kami.

"Nasa lahi ng lola ko ang may kambal, kaya sana sa akin mapunta iyon para may twins ako. Parang Carmina Villarroel lang!" tawa pa niya ulit.

TOGETHERING

Natutuwa si Aicelle dahil kahit alam niyang busy si Mark, sinasamahan siya nito kapag may lakad siya.

Kuwento niya, "Yun ang isa sa mga pagbabago ngayon. Before kasi, sanay akong ako lang ang lalakad. Very independent akong tao, eh. Pero si Mark, he wants to drive me sa pupuntahan ko.

"Ako naman, since I am used to do things on my own, sinasabi ko na huwag na lang. Kasi baka maabala pa siya. Pero gusto pa rin niyang gawin, kasi we're married now and he wants to make sure na safe akong makakarating sa pupuntahan ko. Kinikilig lang ako sa mga ganyan na ginagawa niya.

Continue reading below ↓

"Ngayon din kasi, alam ko na kapag pagod siya sa trabaho, hindi siya iyung jolly Mark na alam ko. Kapag gano'n, nag-a-adjust ako sa ganyan. Extra alaga ako sa kanya kapag alam kong sobrang pagod siya."

WALK OF FAME RECIPIENT

Sa kanyang singing career, sa Pilipinas muna ang concentration ni Aicelle after ng kanyang one-year stint bilang si Gigi Van Tranh sa Miss Saigon UK Tour.

Saad niya, "Sa ngayon, dito muna ako sa bansa natin. Hindi naman ako nag-audition for any musicals abroad. The plan is to come home after Miss Saigon and get married. Thankful naman sa GMA-7 for always giving me good shows.

"Noong umuwi ako, inilagay nila ako agad sa Studio 7. Now, makakasama rin ako sa bagong Sunday variety show ng GMA-7 na #AyOS.

"Kaya tuluy-tuloy po ang pag-perform natin. Yun naman ang love ko talaga, kumanta kahit na once a week lang."

Dahil sa achievements ni Aicelle bilang singer at performer kaya isa siya sa binigyan ng star sa Kapuso Walk of Fame.

Continue reading below ↓

Pag-amin niya, "Nagulat po ako sa ibinigay nilang star na ito sa akin. First time ko to receive something like this at makikita pa siya ng maraming tao kapag naglalakad sila sa may GMA Drive.

"I've been with GMA for the past 13 years. Nagsimula pa ako noon sa Pinoy Pop Superstar hanggang sa nagkaroon ng La Diva at maging solo artist na rin ako.

“Magagandang projects ang binigay sa akin ng Kapuso network kaya proud ako sa star na binigay nila sa akin. Magandang Christmas gift ito for all of us."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Recently-married couple Aicelle Santos and Mark Zambrano plan to have their honeymoon in Japan when their work schedules permit.
PHOTO/S: Nice Print Photography / @iamcatatibayan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results