Michelle Dee bows out of Miss World 2019 with Top 12 finish

by Arniel C. Serato
Dec 14, 2019
Michelle Dee fails to bring home the Miss World 2019 crown.
PHOTO/S: Courtesy: Bong Tan / Missosology

Nabigong maiuwi ni Michelle Dee ang korona sa Miss World 2019.

Ginanap ang grand coronation night ng Miss World ngayong Sabado ng gabi, December 14, sa ExCeL Arena, London, England.

Nakalaban ng 23-year-old Pinay beauty queen ang mahigit 110 na kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hanggang Top 12 lamang ang naabot ni Michelle sa timpalak.

Narito ang buong listahan ng nakapasok sa Top 40:

  1. Antigua & Barbuda
  2. Australia
  3. Brazil
  4. BVI
  5. China PR
  6. Cook Islands
  7. Denmark
  8. England
  9. France
  10. Guyana
  11. Hong Kong China
  12. India
  13. Indonesia
  14. Jamaica
  15. Kenya
  16. Malaysia
  17. Mexico
  18. Moldova
  19. Mongolia
  20. Nepal
  21. Nigeria
  22. New Zealand
  23. Paraguay
  24. Philippines
  25. Poland
  26. Portugal
  27. Puerto Rico
  28. Russia
  29. Scotland
  30. South Africa
  31. Spain
  32. Thailand
  33. Trinidad & Tobago
  34. Tunisia
  35. Uganda
  36. Ukraine
  37. USA
  38. Venezuela
  39. Vietnam
  40. Wales

Mula Top 40, pasok din sa Top 12 si Michelle.

Continue reading below ↓

Ang iba pang pasok sa Top 12 ay ang mga kandidata mula Kenya, Nigeria, Brazil, Mexico, India, Nepal, Vietnam, Jamaica, France, Russia, at Cook Islands.

Mula Top 12, hindi na pinalad si Michelle na makapasok sa Top 5.

Ang mga mapalad na nakapasok sa Top 5 ay ang mga kandidata mula Nigeria, Brazil, India, Jamaica, at France.

Hindi natuldukan ni Michelle ang pagiging uhaw ng bansa ng international crowns sa mga beauty pageants na idinaos ngayong taon.

Hanggang Top 20 lamang ang inabot ni Gazini Ganados sa Miss Universe 2019 pageant na idinaos sa Atlanta, Georgia.

Si Bea Patricia Magtanong ay umabot lamang sa Top 8 sa Miss International 2019 pageant na ginanap sa Japan.

Samantala, umabot naman sa Top 25 si Resham Saeed sa Miss Supranational 2019 pageant na idinaos sa Poland.

Second runner-up ang nasungkit ni Leren Mae Bautista sa Miss Globe 2019 na ginanap sa Montenegro.

Hindi naman pinalad si Samantha Ashley Lo na makapasok sa semi-finals round ng Miss Grand International 2019 sa Venezuela.

Continue reading below ↓

Ang unang naging titleholder ng bansa bilang Miss World ay si Megan Young noong 2013.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michelle Dee fails to bring home the Miss World 2019 crown.
PHOTO/S: Courtesy: Bong Tan / Missosology
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results