Bianca Umali vague about real score between her and Ruru Madrid

by Rommel Gonzales
Dec 15, 2019
When asked about the real score between Bianca Umali (left) and Ruru Madrid (right), the former says she is happy and in love, but does not directly says he is her boyfriend.
PHOTO/S: Magic Liwanag via @bianxa on Instagram / @rurumadrid on Instagram

Pahapyaw na sinagot ni Bianca Umali ang tungkol sa tunay na estado ng kanyang personal life.

Naganap ang panayam kay Bianca kahapon, December 12, sa presscon para sa dalawampung Kapuso personalities na kinilala sa pamamagitan ng Walk of Fame sa walkway ng GMA Network Center.

Natanong si Bianca kung ano ang sabi ni Ruru Madrid, na nali-link sa dalaga, sa Walk of Fame honor, pati na rin sa HBO series na Halfworlds, na pagbibidahan ni Bianca.

“Congratulations! Si Ruru very supportive naman iyan always.”

Nang may member ng press na nagtanong kung sino ang pinag-uusapan, si Bianca pa mismo ang mabilis na sumagot ng, “Si Ruru! Hahaha!” Pagpapatuloy pa ng magandang Kapuso actress.

“He’s always just very supportive, yun yung maipamamalaki ko sa kanya. Actually, sa aming dalawa, suportahan lang naman iyan.”

Ano ba ang estado ng relasyon nila?

“Ano bang meron? Ano nga bang meron? Hahaha!”

Sila ba ni Ruru?

Continue reading below ↓

Sagot niya, “Hahaha! Hay naku! Kayo talaga!”

Happy ba siya?

“Happy, very happy.”

At sa tanong kay Bianca kung in love ba siya, ang mabilis na sagot ni Bianca ay, “Yes.”

Samantala bukod kay Bianca, Aicelle Santos, Roi Vinzon, Yasmien Kurdi, Miguel Tanfelix, at Kris Bernal na dumalo sa unveiling ng Walk of Fame.

Ang iba pang Kapuso personalities na ginawaran ng kanilang “star” sa Walk of Fame sa walkway ng GMA Network Studios ay sina Ai-Ai delas Alas, Gabby Concepcion, Carmina Villarroel, Dion Ignacio, Iya Villania, John Feir, and Megan Young.

Kasali rin ang mga GMA News and Public Affairs personalities na sina Emil Sumangil, Oscar Oida, Marisol Abdurahman, Rovilson Fernandez, Lala Roque, JP Soriano, at Atom Araullo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
When asked about the real score between Bianca Umali (left) and Ruru Madrid (right), the former says she is happy and in love, but does not directly says he is her boyfriend.
PHOTO/S: Magic Liwanag via @bianxa on Instagram / @rurumadrid on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results