Miguel Tanfelix willing to be paired with Kisses Delavin

by Rommel Gonzales
Dec 15, 2019
Miguel Tanfelix says he's open to being paired with Kisses Delavin, if rumored talks push through about her joining the Kapuso network.
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram

Ikinagulat ni Miguel Tanfelix noong una niyang nalaman na may star siya sa Kapuso Walk of Fame sa walkway ng GMA Network.

“Nagulat po ako, kasi before ang dami niyo nang nakikitang nagwu-Walk of Fame, dun sa Eastwood, and diyan sa [GMA] main building.”

Naiinggit ba siya sa mga artistang nabigyang-pugay at napabilang sa naturang celebrity monument?

Paglinaw niya, “Hindi naman po nainggit, pero parang naiisip ko na siguro ang sarap sa pakiramdam na may ganun.

"Hanggang nawala siya sa isip ko, then the other day sinabi po sa akin na may ganito, so nagulat po ako.”

THANKFUL TO GMA-7

Pagpapatuloy pa ni Miguel, “Siyempre sobrang saya ko po and nagulat po ako na meron pa palang mga next batch na mga stars, and very thankful po talaga ako sa GMA, kasi ever since…

"Parang since five years old po yata ako nandito na ako sa GMA, so ang sarap po sa pakiramdam na dito na po ako lumaki, and then finally, meron na po akong star sa Walk of Fame.”

Continue reading below ↓

HAPPY FOR BIANCA

Doble ba ang kasiyahan niya dahil sabay sila ng ka-loveteam niyang si Bianca Umali na ginawaran ng star?

Mabilis niyang pagsang-ayon, “Yes, of course!

“Kumbaga, since bata po kami, sabay kaming nag-a-achieve ng mga bagay-bagay, so everything na na-achieve namin since before, parang we share it with each other.”

Ang gusto talaga ng mga fans ay sila talaga ni Bianca ang magkatuluyan.

“Oo. Bakit? Hindi ko po alam sa kanila,” at natawa ang guwapong binata.

Kung siya ang masusunod, gusto rin sana ni Miguel na si Bianca pa rin talaga ang partner niya onscreen.

Aniya, “Well, ako happy po ako na katrabaho si Bianca, like always.

"Kahit sa mga simpleng guesting, parang wala nang kapaan na nangyayari.

"Basta alam namin dama namin ang isa’t isa.”

STILL GOOD FRIENDS

Kahit na nababalitang nai-involve si Bianca kay Ruru Madrid, gusto pa rin ng mga fans ay sina Miguel at Bianca pa rin ang magka-happy ending sa huli.

Continue reading below ↓

Ganoon din ba ang saloobin ni Miguel?

Paglinaw niya, “Well, hindi ko po masasabi kung ano po talaga nasa future, but…”

“Okay po kami ni Bianca ngayon as friends, and ako ngayon, haping-happy po ako dun kung ano po meron kami ngayon.”

May next project na ba sila?

“Ako po, yes ata, yes ata.”

Sila ni Bianca?

Saad niya, “Ay, hindi ko po sure. Parang may sinabi lang po sa akin pero hindi ko pa po alam kung sinong kasama, anong story talaga. Pero may nabulong po sa akin.”

Kung sakaling merong ibang project na ipapagawa sa kanya na hindi si Bianca ang kapareha niya, sino ang gusto niyang makasama?

Tugon niya, “Sino gusto kong i-partner sa akin? Siguro yung someone na kalog siguro, someone na kalog, para madaling ka-bonding sa set.”

OPEN TO BEING PAIRED WITH KISSES

May balita na posibleng maging GMA artist si Kisses Delavin at malamang si Miguel ang isa sa mga ipa-partner kay Kisses.

Continue reading below ↓

Magkakilala na ba sila ni Kisses?

“Actually, hindi po kami magkakilala, but we saw each other na sa isang awards night, and… why not?

"Kasi okay naman po siya, and nakakita ako ng ibang clips niya sa APT [Entertainment, Inc.] before, so… cute lang.”

Kaya looking forward din si Miguel.

Aniya, “Why not! Yes.”

Sa mga interviews sa kanya dati, vocal at consistent si Miguel sa pagsasabi na kapag paghihiwalayin sila ni Bianca sa project ay malulungkot siya.

Lahad niya, “Yes, malulungkot din naman, nandun din naman po talaga yun hanggang ngayon, but if kung ano po ibibigay sa akin ng GMA na project, buong puso ko pong tatanggapin yun dahil it’s a blessing.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel sa Walk of Fame presscon ng GMA noong nakaraang Huwebes, December 12, sa 17th floor ng GMA Network.

Bukod kay Miguel at Bianca, Yasmien Kurdi, Aicelle Santos, Roi Vinzon at Kris Bernal na dumalo mismo sa Walk of Fame at presscon, ang iba pang Kapuso personalities na ginawaran ng kanilang “star” sa Walk of Fame sa walkway ng GMA Network Studios ay sina Ai Ai delas Alas, Gabby Concepcion, Carmina Villarroel, Dion Ignacio, Iya Villania, John Feir and Megan Young at ang mga GMA News and Public Affairs personalities na sina Emil Sumangil, Oscar Oida, Marisol Abdurahman, Rovilson Fernandez, Lala Roque, JP Soriano and Atom Araullo.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Tanfelix says he's open to being paired with Kisses Delavin, if rumored talks push through about her joining the Kapuso network.
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results