Vice Ganda battered non-stop by ill-wishes: "Di lang isa. Madami. Masakit."

by Bernie V. Franco
Dec 16, 2019
Vice Ganda says he gets bashed on a daily basis: “Every day may mga nagwiwish na malaos ako. Meron pa ngang nagwi-wish na mamatay ako e."
PHOTO/S: Noel Orsal

Ibinahagi ni Vice Ganda, 43, sa kanyang sunud-sunod na tweets na marami pa rin ang gustong makita siyang bumagsak.

Ang iba naman daw ay humihiling na may mangyaring masama sa kanya.

December 14, Sabado, sumagot si Vice sa mga netizen na “pasuko” na raw at dumadaan sa depression.

Nagbigay ng words of encouragement ang It’s Showtime host sa mga taong pinanghihinaan ng loob dahil sa mga problemang kinakaharap.

Sabi niya, “Nangyari din sakin yan. at nangailangan ako ng suporta.

"At ngayong nakalampas na tayo, tayo naman ang magbigay suporta sa nangangailangan ng kakapitan.”

Continue reading below ↓

VICE TELLS FOLOWERS NOT TO GIVE UP

Matagumpay at sikat si Vice sa kanyang career at kahit sa love life, pero nararanasan pa rin daw niyang ma-bash araw-araw.

Saad niya (published as is): “Every single day i get bashed.

“Everyday may mga nagwiwish na malaos ako.

“Meron pa ngang nagwiwish na mamatay ako e.

“Di lang isa. Madami. Masakit.

“Pero nagpapakatatag ako.

“Sayang naman ang mga sinimulan ko at nakamit na tagumpay kung ngayon pako susuko.”

Continue reading below ↓

Gayunpaman, itinutuon daw ni Vice ang kanyang atensiyon sa mga taong kumukuha ng lakas ng loob mula sa kanya.

Hindi raw madali, pero nais ni Vice na ipagpatuloy ang kanyang ginagawa para makatulong sa kapwa.

Continue reading below ↓

Bunsod nito, nagbahagi si Vice ng mga personal niyang mga pinagdaanan.

Patuloy raw siyang kumapit at nagbunga ito sa huli.

Continue reading below ↓

Buod ng mensahe ni Vice, huwag susuko sa buhay.

“Maraming taong guguluhin ang mundo mo para mahirapan ka.

“Maraming tao ang magiingay para malito ka.

“Maraming tao ang haharang para sumuko ka.

“Para pag sumuko ka sila ang makakuha ng biyaya na dapat para sayo.

“Sayang yung biyaya.

“Laban!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda says he gets bashed on a daily basis: “Every day may mga nagwiwish na malaos ako. Meron pa ngang nagwi-wish na mamatay ako e."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results