Regine Velasquez answers credit-grabbing accusations; says Sarah Geronimo fans broke her heart

Dec 16, 2019
Regine Velasquez answers credit-grabbing accusations by some Sarah Geronimo's fans. For the first time, the Asia's Songbird and the Popstar Royalty will headline a two-night Valentine concert, titled Unified.
PHOTO/S: @reginealcasid on Instagram

Dismayado si Regine Velasquez sa ilang fans ni Sarah Geronimo na inakusahan siyang sinosolo ang credits sa halos sold-out nang concert nila sa February 2020.

Ito ay makaraang nagsimula nitong Linggo, December 15, ang online na bentahan ng tickets para sa Unified concert ng Asia’s Songbird at Popstar Royalty.

Ang unang pagsasama sa concert nina Regine at Sarah ay nakatakda sa February 14-15, sa Araneta Coliseum.

Eksaktong tanghali nitong Linggo nang sinimulan ang bentahan ng tickets online.

Ilang minuto bago mag-Lunes ay nagbigay ng update sa Twitter ang kapatid ni Regine na si Cacai Mitra, na nagkumpirmang “almost sold out” na ang tickets.

Si Cacai ay mula sa I-Music Entertainment (IME), isa sa producers ng Unified.

Tweet ni Cacai: “#UNIFIED Tickets as of Dec 15 11pm Less than 12 hours and we're almost sold out except for the Upperbox and GA!!! Yehey!!! @reginevalcasid @vivaliveinc”

WAR OF THE FANDOMS

Makalipas ang ilang minuto, inulan ng komento mula sa fans ni Sarah ang post na ito ni Cacai, dahil hindi naka-tag sa tweet ang 31-anyos na singer-actress.

Continue reading below ↓

Ipinaalala ng fans ni Sarah—na tinaguriang Popsters—na “collab” at hindi “solo” ni Regine ang Unified.

Continue reading below ↓

Para sa Popsters, “nakaka-offend” na hindi nai-tag si Sarah sa update ni Cacai tungkol sa ticket sales.

Continue reading below ↓

Ang iba pa, ipinamukha kay Cacai na si Sarah—at hindi si Regine—ang dahilan kaya nakakalula ang bilis ng bentahan ng tickets sa concert.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Maraming netizens, karamihan ay fans ni Regine, 49, ang sumita sa fans ni Sarah dahil ginawan umano ng isyu ang simpleng hindi pagkaka-tag kay Sarah sa tweet ni Cacai.

Pero giit ng isang Popster, “not acceptable” para sa kanila ang katuwirang nakalimutan lang na i-tag si Sarah sa post.

Continue reading below ↓

REGINE DEFENDS SISTER CACAI

Sumagot si Regine para ipagtanggol ang kapatid na si Cacai, na posible raw na hindi alam na may Twitter account si Sarah kaya hindi nai-tag.

Ayon sa Asia’s Songbird, marami na siyang naging concert, pero ito lang umanong sa kanila ni Sarah ang nagkaroon ng isyu.

Sinabihan ni Regine ang Popsters na ginagawan lang ng isyu ang post ni Cacai, dahil obvious naman na “collab” ang Unified.

Tweet ni Regine (published as is):

“Gusto ko lang sabihin na sa lahat ng concert na gagawin ito Lang ang may issue.

“My sister probably didn’t know Sarah has a tweeter account and you guys are making such a big dial [deal] about it.

“Obvious ba na collab ito naka tag viva right?”

A CREDIT-GRABBER?

Muling nag-tweet si Regine at inaming sa tagal na niyang nagko-concert, ngayon lang siya napagbintangang “taking all the credits.”

Post ni Regine: “Sa dinami dami kong collab na ginawa ngayon lang kami na akusahan na we are taking all the credits.”

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga latest na nakasama ni Regine sa concert sina Vice Ganda (The Songbird and The Song Horse, February 2019) at Sharon Cuneta (Iconic, October 2019).

Sa huling tweet ni Regine, pinrangka niya ang fans ni Sarah na nasaktan siya sa akusasyon ng mga ito laban sa kanya at sa kapatid na si Cacai.

“Nakaka disappoint I have never experienced this. And I have worked with a lot of artists.

“sorry but you guys are breaking my heart (three heartbreak, three crying emojis)”

Maraming fans ni Regine ang nagtanggol sa kanya laban sa Popsters, pero may ilan ang gumitna.

Anila, hindi dapat iniisyuhan ng fans sina Sarah at Regine, na mistulang “mag-nanay” ang turingan at kilalang "love ang isa't isa."

Continue reading below ↓

Giit naman ng ibang Twitter followers ni Regine, sana ay tigilan muna ng mga fans ang pag-aaway-away at suportahan na lang ang pinakahihintay na concert nina Sarah at Regine.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez answers credit-grabbing accusations by some Sarah Geronimo's fans. For the first time, the Asia's Songbird and the Popstar Royalty will headline a two-night Valentine concert, titled Unified.
PHOTO/S: @reginealcasid on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results