Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Vic Sotto reacts to rumor linking son Vico to Gretchen Ho

by Rachelle Siazon
Dec 16, 2019
Vic Sotto on son Vico being romantically linked to Gretchen Ho: "I dont think so. Malalaman ko personal kapag merong confirmation."
PHOTO/S: @pauleenlunasotto / @vicosotto / @gretchenho Instagram

Diretsahang pinabulaanan ni Vic Sotto ang espekulasyong may ugnayan sa pagitan ng anak niyang si Pasig City Mayor Vico Sotto at ABS-CBN TV host na si Gretchen Ho.

Kaugnay ito ng kumalat na litrato nina Vico at Gretchen na magkatabing nanood ng opening volleyball match ng Southeast Asian (SEA) Games 2019.

Noong December 3, naglaro ang Philippines versus Vietnam sa PhilSports Arena, Pasig City, na nasasakupan ni Vico bilang alkalde.

Si Gretchen naman ay kilalang nagko-cover ng SEA Games, pero noong mga oras na iyon ay namataan itong nakaupo sa bleachers kasama si Vico.

Pero hindi kumbinsido si Vic na may espesyal na namamagitan sa dalawa.

"I dont think so. Malalaman ko personal kapag merong confirmation," tuwirang sabi ng comedian-TV host.

Base ito sa ulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol, prime-time newscast ng ABS-CBN, nitong Lunes ng gabi, December 16,

Tila hindi pa nagkakausap ang mag-amang Vic at Vico hinggil sa isyu.

Continue reading below ↓

Pero sabi pa ni Vic, "Nababasa-basa ko lang. But knowing him, I don't think he has time. Wala siyang panahon.

"Kung sa akin nga wala siyang panahon, e.

"Dati, every week, nagdi-dinner kami. Ngayon, medyo every other week na lang, e."

PUBLIC SERVICE FIRST BEFORE LOVE?

Prayoridad daw ng anak ang pamumuno sa Pasig.

"Bising-busy talaga. Marami siyang inaayos sa Pasig."

Nito lang Linggo ng gabi, December 15, "special guest" si Vic sa Paskotitap Christmas program ng mga tiga-Pasig.

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng Instagram Story, ibinahagi ni Vico ang ilang litrato ni Vic kasama ang Mission Unstapabol: The Don Identity co-star nitong si Pokwang.

WHY WERE VICO AND GRETCHEN TOGETHER?

Hindi malinaw kung paano nagkasabay sina Vico at Gretchen sa panonood ng SEA Games volleyball game.

Isang taon lang ang pagitan ng edad nina Vico at Gretchen na parehong graduate ng Ateneo de Manila University.

Continue reading below ↓

Noong pagkakaugnay sa kanila, ang tanging sinagot ni Vico ay ang netizen na kumuwestiyon kung bakit nanood siya ng volleyball game sa kasagsagan ng bagyong Tisoy.

Nilinaw ni Vico na walang masamang manood siya ng SEA Games, lalo pa't ginanap ang volleyball match doon mismo sa Pasig City.

Taliwas sa netizen na nambatikos sa kanya, sinabi rin niyang walang naganap na pagbaha sa kanilang lugar.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vic Sotto on son Vico being romantically linked to Gretchen Ho: "I dont think so. Malalaman ko personal kapag merong confirmation."
PHOTO/S: @pauleenlunasotto / @vicosotto / @gretchenho Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results