Mark Lapid weighs in on issue of ABS-CBN franchise renewal

by Rey Pumaloy
Dec 18, 2019
Mark Lapid on issue between President Duterte and ABS-CBN: "Sana magkausap sila, maayos iyan for the sake of the many Filipino people na nagtatrabaho sa industry, mawawalan talaga ng trabaho."
PHOTO/S: Rey Pumaloy

Isa si Mark Lapid sa umaasam na mapagbibigyan ni Presidente Rodrigo Duterte na ma-renew ang franchise ng ABS-CBN.

“We’re hoping,” matamang sambit ni Mark nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Disyembre 16, Lunes ng hapon, sa Max’s Scout Tuason St., Quezon City.

“It’s a personal issue. Wala namang technicalities or anything.

"So, we’re hoping na the two groups, na sina Presidente at ang ABS-CBN, magkaupuan minsan, magkalinawan po.

“Ano ba talaga? Baka puwedeng pag-usapan, ayusin na lang.

“Kasi, sa kanila lang naman ang usapan.

"Ang concern lang naman namin, if it’s going down the line, ang mga mawawalan ng trabaho, at isa na po ako roon.

“Isa na ako roon sa mawawalan.”

Matapos lumabas sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano, kabilang ngayon si Mark sa teleseryeng Sandugo.

MEDIATION

Bukod sa kanila ng kanyang amang si Senator Lito Lapid, kabilang si Senator Tito Sotto sa public officials na tumutulong sa mediation sa pagitan ni Pangulong Duterte at ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Walang direktang communication sina Senator Lapid sa Presidente.

Paglilinaw ni Mark, na dating gobernador ng Pampanga, “No, through Bong Go.

"Kasi, kasama namin sa House at iyan ang malalapit sa Presidente. Baka puwede namang pag-usapan.

“Wala pa kaming feedback.

“We’re hoping na by January, alam ko, nai-file na sa Lower House. Aantayin lang namin.”

Gumagalaw rin ba ang ibang mga kapanalig sa industriya gaya nina Senator Bong Revilla, Senator Manny Pacquiao, Congressman Alfred Vargas, at Congresswoman Vilma Santos?

Tugon ni Mark, “Siyempre, kanya-kanya po iyan.

"But at the the end of the day, magkikita-kita po kami kapag pumasa iyan sa Senate talaga. Antayin po namin iyan.

“But now, meron kaming kanya-kanya kaming effort. Senator Grace Poe is also there, di ba?”

May panahon pa para mahilot ang Presidente, sa paniniwala ni Mark.

“Yes. Everything is possible once na naayos naman lahat iyan.

"It’s a passage naman, lahat iyan sa Congress and then sa Senate, and then tapos na, pipirmahan na lang ng Presidente iyan.”

Continue reading below ↓

Ano ang chances?

“Right now, 50-50. Hindi ko pa alam.

"Kasi, wala po hong gumagalaw, e. Sabi nila, by January pa.

“Kasi, hindi pa naging priority this month because of SEA Games na inayos nila.

"The budget is there.

“So, they’re hoping by January, gugulong na yung sa franchise.”

Puwede bang i-veto ng Presidente?

“Yes! Kayang i-veto ng Presidente. May powers po ang Presidenteng ganoon.

"So, ibi-veto, ibabalik sa Congress. So, we’ll see...

“Kaya nga ang sabi ko, ang chance natin, sana magkausap sila, maayos iyan for the sake of the many Filipino people na nagtatrabaho sa industry, mawawalan talaga ng trabaho.”

CAMPAIGN ADS

Hindi raw alam ni Mark ang balita tungkol sa balitang bilyones umano ang utang sa tax ng Kapamilya Network.

“Ahh, billions of pesos? Hindi po ako pamilyar about that.

“Yun lang ang alam ko, nag-start because of the campaign ads, political ads. Hindi ko alam kung ano pa ang iba.

Continue reading below ↓

“Sabi ko nga, at the end of the day, kung puwede namang mag-usap, pag-usapan na lang,” sabi ni Mark.

Ang dahilan kaya tinututulan ni Pangulong Duterte ang franchise renewal ng ABS-CBN dahil sa hindi pag-ere ng network ng kanyang campign ad noong 2016 presidential elections, kahit bayad na ito.

Pabor ba si Mark sa renewal ng franchise?

“Yes! Definitely yes, 100 percent, not only for ABS-CBN, all the networks na nandiyan.

“Trabaho po iyan, e. Industriya.

"Kahit po ire-renew ang Regal, papabor po ako riyan. Di ba?

"It’s an industry na kailangang tulungan.

“Hindi dahil nasa ABS-CBN ka, pabor ka sa ABS-CBN.

"Hindi dahil nasa GMA ka or sa TV ka or sa ibang network... dapat para sa lahat."

May natutunugan na bang preparasyon kung saan pupunta ang talents, shows at produksiyon sakaling matuloy ang pagpapasara sa Kapamilya Network?

Napailing si Mark, “I don’t know, wala naman kaming pinag-uusapan.

"Kasi, within ABS-CBN lang iyan.

Continue reading below ↓

“Wala po, we don’t know anything.

"But I’m sure, ABS is ABS, it’s a big company, meron silan mga think tank na, just in case, meron silang back-up plans or options.

“Wala pang notice sa mga artista. Wala pang sinasabi sa amin.

"I think, everybody is hoping na sana ma-renew talaga.”

Iyong pinaikot na petition letter, makakatulong kaya?

“I hope," sambit ni Mark.

"Kasi, alam ko yung petition letters are coming from individuals, persons, groups na talagang maaapektuhan kapag hindi na-renew ang franchise.

“At least, may sumusuporta. May kanya-kanyang initiative.

“So, tuwang-tuwa naman kami. At least, hindi lang kami ang nagsusulong, hindi lang tayo. Marami naman talaga.

“Not for anything else, not because hindi maka-Duterte, maka-Duterte ka.

"No, it’s about the industry at saka yung trabaho. 'Yan ang objective namin."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Lapid on issue between President Duterte and ABS-CBN: "Sana magkausap sila, maayos iyan for the sake of the many Filipino people na nagtatrabaho sa industry, mawawalan talaga ng trabaho."
PHOTO/S: Rey Pumaloy
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results