Yeng Constantino appeals to President Duterte to reconsider his stand on ABS-CBN franchise renewal

by Arniel C. Serato
Dec 17, 2019
Yeng Constantino to President Rodrigo Duterte: "Baka lang po, kumakatok lang po kami sa puso ninyo na baka maaari naman na hindi po maputol po yung source of living namin, Sir.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Hindi lingid sa karamihan na malaking problema ang kinahaharap ng network giant na ABS-CBN dahil sa napipintong pagtatapos ng kanilang franchise to broadcast sa March 30, 2020.

Usap-usapan ito sa apat na sulok ng istasyon at maging sa kanilang contract stars, kabilang na ang singer na si Yeng Constantino.

Lahad ng Pop Rock Diva, “Ano, kagabi lang, pinag-usapan namin ng tropa ko ‘yan, e.

“What will happen to me pag nangyari yun.

“Panalangin ko talaga na hindi mangyari kasi ipinanganak po ako sa ABS-CBN.

“Anak talaga ako, dito ako sumulpot, umusbong.

“So, malungkot yung thought na maaari na mawala.”

Si Yeng ay produkto ng ABS-CBN reality show na Pinoy Dream Academy noong 2006. Siya ang itinanghal na Grand Star Dreamer.

Napag-uusapan din ba nila ito ng mga kapwa niya singers at artista na bahagi ng Kapamilya Network?

Tugon ni Yeng, “We don’t really talk about it. Parang ang hirap pag-usapan.

Continue reading below ↓

"E, napag-usapan na yung ASAP, yung [It's] Showtime, parang ang hirap pag-usapan.

“Hindi naman sa wala nang panahon, it's just sad to talk about.

“Pag minsan na lang kayo magkikita ng mga katrabaho mo, Sundays lang or a short time in Tawag ng Tanghalan, you don’t talk about things that will make you sad.

“You choose to talk about things na light na lang.

“Pero, I feel na everyone’s sad about the thought na puwede siyang mangyari.”

CALL TO PRESIDENT DUTERTE

Nakabinbin pa rin sa Kongreso at Senado ang ilang panukalang batas na magpapalawig ng 25 taon pang prangkisa ng ABS-CBN.

Ngunit, parehong hindi pa ito naaaksiyunan ng mga komiteng may hawak nito.

Nakadagdag pa ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang anumang panukalang batas sa panibagong prangkisa ng istasyon.

May nais ba siyang ipanawagan kay Pangulong Duterte?

Pahayag ni Yeng: “Sir, saludo po ako sa marami niyong ginagawa tulad ng paglilikom ng mga pondo para sa bansa natin, para sa investment.

Continue reading below ↓

“Sir, nakikita namin yun, and we admire you.

“Maybe there are things na hindi agree about. It doesn’t mean na lahat po ng flaws ninyo, nakikita namin.

“I don’t know what’s right and wrong for you. And ano yung pinakaugat at puno nito at humantong sa ganito.

“Pero, Sir, ano, sana po ma-consider niyo rin po yung ibang mga artists na nagtatrabaho sa industriyang ito katulad po namin.

“Baka lang po, kumakatok lang po kami sa puso ninyo na baka maaari naman na hindi po maputol po yung source of living namin, Sir.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yeng sa grand presscon ng Write About Love ngayong hapon ng Martes, December 17, sa Delgado 112 Restaurant, Quezon City.

Bukod kay Yeng, dumalo rin ang kanyang co-star na si Joem Bascon sa pagtitipon para i-pomote ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 entry nila mula sa TBA Studios.

Continue reading below ↓

FALL BACK?

Dahil wala pang kasiguruhan kung mare-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, sumagi na raw sa isip ni Yeng na muling mag-aral.

Saad niya, “Kaya next year, itutuloy ko na lang yung isa kong pangarap, e.

“Magti-take po ako ng Psychology next year.

“Sabi ko sa asawa ko, ‘Alam mo, love, what I realized about what’s going on about the industry, that showbiz is not really forever.'

“Na hindi ko... sa individual na lakad namin, hindi mo alam kung kailan mawawala, e.

“So, at least, preparado ka lang.

“Kasi kung ako papipiliin, bakit naman ako lilipat sa ibang network?

“Ang laki ng utang na loob ko kina Direk Lauren [Dyogi], Sir Deo [Endrinal], Mr. M [Johnny Manahan]...

“Parang siguro, parang it’s very hard to even think about it, malungkot.

“Kaya tuloy lang po ang aming panalangin, tuloy lang po ang dasal, kasi baka magawan naman ng paraan.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yeng Constantino to President Rodrigo Duterte: "Baka lang po, kumakatok lang po kami sa puso ninyo na baka maaari naman na hindi po maputol po yung source of living namin, Sir.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results