Bea Alonzo meets up with Mico Palanca's mom, siblings

by Rachelle Siazon
Dec 18, 2019
Bea Alonzo (in blue blazer) is reunited with Mico Palanca's mom Pita Revilla-Palanca (third from left) and his siblings Lisa (leftmost) and Erika (second from left). Bea is accompanied by her Star Magic handler Monch Novales (in black top and pants).
PHOTO/S: @monchnovales / @erikahocson Instagram

Sa isang bihirang pagkakataon, nagkita-kita sina Bea Alonzo at ang pamilya ng pumanaw na si Mico Palanca.

Tila personal na nagpaabot ng pakikiramay si Bea sa ina ni Mico na si Pita Revilla-Palanca.

Kasama ni Bea ang kanyang Star Magic handler na si Monch Novales.

Si Novales din ang handler ni Mico noong panahong bahagi pa ito ng nabanggit na ABS-CBN talent management arm.

Ngayong Miyerkules, December 18, ibinahagi ni Novales ang litrato nila ni Bea kasama si Pita at dalawang kapatid na babae ni Mico na sina Lisa at Erika.

"Love you guys," ang tanging caption ni Novales sa kanyang post.

Naka-tag din ang nakababatang kapatid ni Mico na si Erika Hocson.

Continue reading below ↓

Noong December 11, una nang nagpahiwatig si Bea ng kanyang pakikiramay sa pamilya ni Mico sa pamamagitan ng matalinhagang mensahe sa Instagram.

Sabi noon ni Bea, "I just want to keep still and quiet for a moment and let the universe unfold its mystery.

"My prayers go out to the ones grieving and going through tough times. Love and light.

Si Mico ang first boyfriend ni Bea.

Sa July 2013 issue ng YES! Magazine, sinabi ni Bea na apat na taon siyang niligawan ni Mico.

Una silang nagkatrabaho sa ABS-CBN teen-oriented series na K2BU noong 2000.

Bahagi rin ng cast si Mico sa mga pinagbidahang teleserye ni Bea na Kay Tagal Kang Hinintay (2002) at It Might Be You (2003).

Taong 2006 nang maiulat ang pagkakamabutihan nina Bea at Mico.

Ayon kay Bea, taong 2008 ay naghiwalay sila ni Mico.

Sinabi rin noon ni Bea na mabait sa kanya ang pamilya ni Mico, pero may mga bagay lang talaga silang hindi mapagkasunduan ng aktor.

Continue reading below ↓

MICO'S SUDDEN DEATH

Pumanaw si Mico sa edad na 41 noong December 8.

Noong December 9, nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng impormasyon hinggil sa pagpanaw ni Mico.

Pero sa ulat na inilathala ng PEP.ph ay hindi nakasaad ang detalye ng pagkamatay ng 41-year-old actor.

Kinabukasan, December 10, naglabas ng opisyal na pahayag ang pamilya ni Mico at umapela sila sa publiko na sana ay bigyan sila ng privacy sa gitna ng kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw ng aktor.

MICO'S SISTER THANKS FAMILY AND FRIENDS

Ang kapatid ni Mico na si Erika ay nagbahagi naman ng Instagram post noong December 14.

Isa-isang pinasalamatan ni Erika ang mga kapamilya, kaanak, at kaibigang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa kanilang mga naulila ni Mico.

Ani Erika, noong una ay inakala niyang nawawala lang si Mico.

Hanggang sa nadiskubre raw ng kanilang pamilya ang "painful truth" kaugnay ng pagkamatay nito.

Bahagi ng pahayag ni Erika (published as is):

Continue reading below ↓

"I both have nothing to say, yet so much at the same time. The exhaustion has just gotten to me.

"This past week has been one of the darkest we’ve had to encounter yet again as a family.

"I just want to use this little space to thank my family - siblings, aunts, uncles, cousins, Gab - for being there from the minute I thought he was just missing.

"For being there when we discovered the painful truth, for keeping each of us strong.

"To my closest friends for showing up, for sending their love and prayers despite the busy/hectic season we’re all in.

"To Kuya Miko’s friends for reminding us of the great times and showing that they cared till the end.

"To everyone who extended their condolences through various networks, I’m sorry if I didn’t respond to all messages, but know that I truly appreciate it."

Continue reading below ↓

TRIBUTE FOR MICO

Nagpasalamat din si Erika sa mga taong nirespeto ang hiling na privacy ng kanilang pamilya.

Kung anuman daw ang nangyari kay Mico sa mga huling sandali ng buhay nito, iginiit ni Erika na napakabait na tao ng kanyang kuya.

"To those who have respected our privacy and have been gentle in approaching us for details, thank you. We appreciate it all.

"My brother was one of the kindest souls one could encounter in this life, he was just overpowered by demons so strong, none of us could understand.

"We’re all human anyway."

Hiling pa ni Erika, kung mayroon mang nakasamaan ng loob si Mico ay mapatawad na raw sana ito.

"I humbly ask for continued prayers, less spreading of false assumptions and videos/photos (please), and most importantly, for those who have ill feelings or mixed emotions towards him, forgive him — and forgive him wholeheartedly."

Sa huli, nagbigay-pugay si Erika sa kanilang ina na si Pita sa tatag ng loob nito sa kabila ng pagdadalamhati ng kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

"Last but most importantly, I have to give it to the strongest mother on this earth, the pillar of the family (pun intended) who has gone through hell and back multiple times in this lifetime with so much grace.

"Her faith is unlike any other. Thank you, mom. Thank you, Kuya Meeks. I love you, I’ll miss you. You can rest now.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo (in blue blazer) is reunited with Mico Palanca's mom Pita Revilla-Palanca (third from left) and his siblings Lisa (leftmost) and Erika (second from left). Bea is accompanied by her Star Magic handler Monch Novales (in black top and pants).
PHOTO/S: @monchnovales / @erikahocson Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results