Cacai Mitra speaks up about credit-grabbing issue involving Regine Velasquez, Sarah Geronimo

by Bernie V. Franco
Dec 18, 2019
Cacai Mitra (right) asks netizens not to add fuel to the fire after fans of Sarah Geronimo rebukes Cacai and sister Regine Velasquez for allegedly taking all the credit in the fast selling of tickets of Regine-Sarah concert.
PHOTO/S: @cacaimitra on Instagram

Nagsalita na ang kapatid ni Regine Velasquez na si Cacai Mitra kaugnay ng akusasyong "credit-grabbing" ng fans ni Sarah Geronimo laban sa Asia’s Songbird

Ito ay matapos mag-react ang Popsters, tawag sa fans ni Sarah, sa tweet ni Cacai tungkol sa mabilis na pagkabenta ng tickets ng Unified, ang upcoming concert nina Regine at Sarah sa February 2020.

Naka-tag sa tweet si Regine at ang Viva Live, Inc., na isa rin sa producers ng concert.

Hindi naka-tag si Sarah, at ito ang ikinadismaya ng kanyang fans.

Reklamo ng ilang Popsters, sinosolo diumano ni Regine ang credit sa "almost sold out" tickets ng upcoming concert nila ni Sarah.

Na-offend daw sila sa hindi pag-tag ni Cacai kay Sarah sa collaboration concert nila ni Regine.

CACAI REACTS TO HER CONTROVERSIAL TWEET

Noong Lunes ng hapon, December 16, sunud-sunod ang tweets ni Cacai upang depensahan ang sarili.

Sa unang tweet, may naka-attach na quote card kung saan nakasulat ang “Peace, love, positivity.”

Continue reading below ↓

Tweet niya: “Let's just spread LOVE, PEACE & POSITIVITY!!! Let's just be all HAPPY!!!! [smile and heart emojis]

Sa sumunod niyang tweet, naka-tag na si Sarah.

Nakiusap si Cacai sa supporters nila ni Regine na huwag nang patulan ang mga bumabatikos sa kanila.

Ani Cacai, “Guys hwag nyo na patulan, hwag na kayong sumagot.. deadma na lang..

Continue reading below ↓

“AGAIN let’s spread LOVE, RESPECT & POSITIVITY na lang.. Pasko na..

“Just Pray for them.

“Paikot-ikot lang ang issue.. hindi matatapos.. Alam naman natin na hindi ganyan mag-isip si @JustSarahG so [love, love, love] na lang...”

Sinagot din ni Cacai ang isang Popster na nagsabing naka-hold daw ang ibang tickets na allocated sa ibang fans ni Sarah dahil priority raw ang fans ni Regine.

Continue reading below ↓

Nagpaliwanag naman dito si Cacai, na isa rin sa producers ng concert sa pamamagitan ng kanyang kumpanyang I-Music Entertainment (IME).

Aniya (published as is): “Both VIVA and IME po may reerved seats for sponsors and selling... Fairly divided aame no of seat din po yan.. VIVA lang po may control ng naka reserve under viva and the same w/ IME.. may kanya kanya kaming allocations.. Sa Viva nyo po itanong.”

Continue reading below ↓

Ngayong umaga ng Miyerkules, December 18, inawat ni Cacai ang isang supporter ni Regine na gumatong sa away sa pagitan ng Regine fans at Popsters.

Tweet ng netizen, matapos ang ilang araw na pamba-bash kay Regine ay may balik ito sa mga nam-bash sa Asia's Songbird.

Itinanghal si Regine bilang Entertainer of the Year at Best Collaboration in a Concert award ng Aliw Awards na ginanap nitong Martes, December 17.

Sabi ng netizen: "After 3 days of negativity and bashing, REGINE won 2 major awards last night. Collab Concert and ENTERTAINER OF THE YEAR. May balik talaga agad lahat.”

Pag-awat naman ni Cacai: “tama na kasi.. again.. let's all be posivite na lang.. [heart emojis]

Continue reading below ↓

REGINE DISAPPOINTED WITH SARAH'S FANS

Una nang nag-tweet si Regine bilang reaksiyon sa isyu at upang ipagtanggol ang kapatid na si Cacai.

Ipinaliwanag ni Regine na posibleng hindi aware si Cacai na may Twitter account si Sarah kaya hindi naka-tag sa kanyang previous tweet.

Pagtatanggol ni Regine: “Gusto ko lang sabihin na sa lahat ng concert na gagawin ito Lang ang may issue.

“My sister probably didn’t know Sarah has a tweeter account and you guys are making such a big dial [deal] about it.

“Obvious ba na collab ito naka tag viva right?”

Naglabas din ng sama ng loob si Regine at ipinahayag na nasaktan siya sa akusasyon.

Tweet niya (published as is): “Nakaka disappoint I have never experienced this. And I have worked with a lot of artists.

“sorry but you guys are breaking my heart [broken hearts and crying emojis]”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cacai Mitra (right) asks netizens not to add fuel to the fire after fans of Sarah Geronimo rebukes Cacai and sister Regine Velasquez for allegedly taking all the credit in the fast selling of tickets of Regine-Sarah concert.
PHOTO/S: @cacaimitra on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results