Kapamilya actor Joem Bascon remains hopeful about renewal of ABS-CBN franchise

by Arniel C. Serato
Dec 18, 2019
Joem Bascon: "Ang inaano namin yung mga empleyado, yung employees itself. Na siyempre mas mahirap sa kanila na maghanap pa ulit ng work. Yun, we’re hopeful na ma-sign-an yung franchise nung network.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Hindi maiwasang mag-alala ng Kapamilya stars sa napipintong pagtatapos ng prangkisa ng ABS-CBN.

Ang broadcast media, kabilang na ang radyo at telebisyon, ay nangangailangan ng congressional approval, sa pamamagitan ng prangkisa, upang makapagsahimpapawid.

Ang franchise to broadcast ng ABS-CBN ay nakatakdang mapaso sa March 30, 2020, o halos tatlong buwan na lamang mula ngayon.

Sa kanyang panig, umaasa ang aktor na si Joem Bascon na mabigyan ng panibagong franchise ang ABS-CBN.

Pahayag ni Joem, “We’re just hopeful.

"Alam mo, maging lahat kami, parang unified when it comes to the franchise na mai-extend.

“Na ma-sign-an yung franchise."

Dagdag niya, “We’re talking it calmly.

“Siyempre, kapag makita namin na na-rattle ang mga higher ups namin, siyempre magugulo na din kami.

“Pero with this one, were following every rule.”

Asam din ni Joem na lumambot ang puso ni Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa usapin ng prangkisa ng ABS-CBN.

Nagbanta kasi ang Pangulo na haharangin niya ang anumang panukalang batas na magpapalawig sa franchise ng istasyon.

Continue reading below ↓

Tila nagantso raw kasi siya ng istasyon noong 2016 Presidential Elections dahil hindi inere ang kanyang political ads kahit bayad na ito.

Sabi ni Joem, “We’re following everything para mapagbigyan ng Pangulo natin, na lumambot ang puso niya na ma-extend.”

Iniisip din daw nila ang mga taong labis na maaapektuhan kapag nagsara ang network.

“Yun nga ang iniisip namin, kasi kaming mga artists, madami kaming work na nakukuha even outside of the network.

“Ang inaano namin, yung mga empleyado, yung employees itself.

“Na siyempre, mas mahirap sa kanila na maghanap pa ulit ng work.

“Yun, we’re hopeful na ma-sign-an yung franchise nung network.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joem sa grand presscon ng Write About Love kahapon, December 17, sa Delgado.112 Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

WORKING WITH YENG CONSTANTINO

Bukod kay Joem, kasama rin sa Write About Love ng TBA Studios sina Miles Ocampo, Rocco Nacino, at Yeng Constantino.

Continue reading below ↓

Kumusta ba katrabaho ang Pop Rock Superstar na si Yeng?

Tugon ni Joem, “So happy. Sobrang down to earth yung tao.

“Sobrang honest sa feelings, sobrang honest siya when it comes sa mga scenes,.

"'Tsaka siyempre Yeng Constantino na siya, e. Napapanood ko na siya sa TV kapag kumakanta, sa mga gigs.

Continue reading below ↓

“I’m happy na pagdating sa pag-arte, napaka-giving niya sa aming lahat.”

Masaya rin ang aktor dahil sa dami ng kanyang trabaho ngayong huling bahagi ng 2019, kabilang na ang dalawang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019.

Kasama rin siya sa cast ng Culion.

Itinuturing naman niyang healthy competition para sa kanilang mga artistang may entry sa taunang pestibal.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joem Bascon: "Ang inaano namin yung mga empleyado, yung employees itself. Na siyempre mas mahirap sa kanila na maghanap pa ulit ng work. Yun, we’re hopeful na ma-sign-an yung franchise nung network.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results