Dimples Romana thanks Angel Locsin for being her family’s "Darna"

Dec 18, 2019
Dimples Romana shares an appreciation post for best friend Angel Locsin: "I am grateful for friendships that go beyond work shoots, lunches, dinners and all."
PHOTO/S: @dimplesromana on Instagram

Idinaan ni Dimples Romana sa social media ang labis na pasasalamat sa best friend niyang si Angel Locsin para sa “pagmamahal na maaasahan forever.”

Ito ay matapos alagaan ni Angel ang bunsong anak ni Dimples na si Alonzo, habang inaasikaso ng bida ng Kadenang Ginto ang asawang si Boyet Ahmee.

Muli kasing isinugod sa ospital nitong Linggo, December 15, si Boyet matapos na dumugo uli ang lalamunan nito.

Sa Instagram post ni Dimples nitong Lunes, December 16, ikinuwento ng aktres na nasa taping siya ng Kadenang Ginto nang kinailangang dalhin sa ospital ang kanyang mister.

Bagamat pinayagan siya ng mga boss ng teleserye na umalis kaagad sa taping, pinili ng 35-anyos na aktres na tapusin ang mga natitira niyang eksena.

Nakasaad sa post na tinawagan ni Dimples ang kanyang kapatid na lalaki upang dalhin sa ospital si Boyet.

Sa naturang post, isa-isang tinag ni Dimples ang mga kaanak at katrabaho na tumulong sa kanya upang pasalamatan sila.

Continue reading below ↓

ANGEL: “DARNA” TO THE RESCUE

Special mention sa post ni Dimples ang “aming Darna,” na tumutukoy kay Angel, na “nilipad” ang papuntang ospital “habang hindi pa ako makarating.”

Minasahe pa umano ni Angel, 34, ang mga paa ni Boyet upang maginhawaan ito, ayon kay Dimples.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Mensahe ni Dimples kay Angel sa kanyang post (published as is):

“And sa aming Darna @therealangellocsin nilipad mo ang @themedicalcity Salamat sa pagmamahal na maasahan forever.

“Balita ko, minamasahe mo pa feet ni Boyet, I can just imagine yung hiya nya haha

“Salamat sa pagSama sa akin, sa paghila sa akin sa mga pgkakataon nanghihina ako, sa pagsama sa pamilya ko habang hindi pa ako makarating, sa pagasikaso sa lahat habang bagsak ako from taping, sa pagpilit sa aking kumain, sa pakikipaglaro kay Alonzo habang may inaasikaso ako, sa lahat ng suportang walang pagaalinlangan At pagaatubili, Salamat.

“Mahal na mahal ka namin.”

Sa huling bahagi ng post, sinabi ni Dimples na muling dinala sa operating room ang kanyang mister, pero maayos na ang kalagayan nito.

Continue reading below ↓
View this post on Instagram

Missing out 2 parties for my KG family and Swak na Swak family tonight ???? At 12mn kanina habang nasa taping ako in Qc for KG, I received a text message from @callieahmee na I should check on my hubby because she saw him spitting blood again. She was crying and I got so worried. And after that tough time we had a week ago, we were all nervous to go through it again. Told my bosses in KG right away and they were all very gracious and concerned and told me naman to leave if I really have to dahil para sa aming lahat- family first. But I decided to stay and finish the last few scenes and called my brother to take my husband to the hospital instead. Thank you ate @carlmerced @caticaticatzzzzzz @cherry_arollado Direks @jojosaguin @korekkajohn and sir @montie08 for all the love and support all throughout this whole trying journey the past weeks, I love you all. Buti na lang, I have these people behind me who made way to help me out and make me feel secured and relieved na ngayon, mangyari man ulit, Hindi na ako magiisa. Salamat @bamromana @krisellevillanueva @anishavillanueva for driving the fastest way you can to get your KUYA to the hospital and in time for the good doctors to see him. And sa aming Darna @therealangellocsin nilipad mo ang @themedicalcity Salamat sa pagmamahal na maasahan forever. Balita ko, minamasahe mo pa feet ni Boyet, I can just imagine yung hiya nya haha Salamat sa pagSama sa akin, sa paghila sa akin sa mga pgkakataon nanghihina ako, sa pagsama sa pamilya ko habang hindi pa ako makarating, sa pagasikaso sa lahat habang bagsak ako from taping, sa pagpilit sa aking kumain, sa pakikipaglaro kay Alonzo habang may inaasikaso ako, sa lahat ng suportang walang pagaalinlangan At pagaatubili, Salamat. Mahal na mahal ka namin. Ate @faeldonia519 Salamat!????@boyetahmee had bleeding again and had to be rushed to the ER and after an hour, OR again. He’s now stable and on his way to recovery. Again, thank you all for your prayers. Akala ata ng mga pagsubok na ito, kaya nila ako! Huy, pagsubok, Wala ka sa Panginoon ko! We got this Myluv @boyetahmee ???????? sending all my love and appreciation to everyone at @themedicalcity for taking good care of us, as always!

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

DIMPLES IS GRATEFUL FOR ANGEL’S FRIENDSHIP

Kinabukasan, December 17, ipinost naman ni Dimples ang litrato ng anak niyang si Alonzo habang nakikipaglaro kay Angel.

Sa caption, nagpasalamat si Dimples sa pagkakaroon ng kaibigang tulad ni Angel.

Post ni Dimples: “With everything @boyetahmee and I have been going through lately, Boyet being in the hospital in and out, my Kg tapings everyday (because it’s almost the holiday break) I am grateful for friendships that go beyond work shoots, lunches, dinners and all.

“We love you @therealangellocsin (heart with ribbon emoji) yes im taking this moment to appreciate the moments you took over taking care of #AlonzoRomeoJose while I was busy with my wifey duties.

“Mahal na mahal kita. Ninang duties for real (heart emojis).”

BOYET’S HEALTH CONDITION

Sa latest update ni Dimples, sinabi niyang nakalabas na sa ospital ang kanyang asawa nitong Martes, December 17.

Disyembre 3 nang unang nagsuka ng dugo at isinugod sa ospital si Boyet, na na-release din makalipas ang ilang araw.

Continue reading below ↓

Sa isang interview sa Tonight With Boy Abunda nitong December 10, naikuwento ni Dimples na ang pagdurugo ay bunsod ng pagkagasgas ng lalamunan ni Boyet matapos itigil ang soft diet.

Inoperahan sa lalamunan si Boyet kamakailan upang lunasan ang kanyang sleep apnea.

Sixteen years nang kasal sina Dimples at Boyet, at biniyayaan sila ng dalawang anak.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dimples Romana shares an appreciation post for best friend Angel Locsin: "I am grateful for friendships that go beyond work shoots, lunches, dinners and all."
PHOTO/S: @dimplesromana on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results