Pokwang slams netizens for calling her brand of comedy "cheap"

by Bernie V. Franco
Dec 18, 2019
Pokwang asks netizens who belittle comedians like her: "Kaya mo ba ginagawa namin?"
PHOTO/S: @pornstat_roviel on Instagram

Sinagot ni Pokwang ang ilang netizens na inalipusta ang mga kagaya niyang komedyante.

Ngayong umaga ng Miyerkules, December 18, isang netizen ang nag-share sa Twitter ng isang artikulo tungkol sa mga pahayag ni Pokwang tungkol sa mababang tingin sa mga kagaya niyang komedyante.

Pahayag ni Pokwang, maging siya ay naranasang maliitin ng ibang tao dahil sa pagiging komedyante.

Ang hugot ni Pokwang ay galing sa recent statement ni Vice Ganda mula sa presscon ng pelikula nitong The Mall, The Merrier noong Decembe 9, 2019.

Dito sinabi ni Vice ang tungkol sa mababang tingin ng ibang tao sa comedy film, kahit ito raw ang nagpapasaya sa mga tao at kailangan ngayon sa kabila ng mga hindi magagandang pangyayari.

Ani Vice, dapat itaas ang tingin ng mga tao sa komedya dahil ito ay nagbibigay ng saya at ngiti sa mga tao.

POKWANG HITS BACK

Patutsada ng netizen na nag-post ng sinabi ni Pokwang: “Cheap version of comedy deserves cheap treatment.”

Continue reading below ↓

Hindi naman ito pinalampas ng Kapamilya comedienne.

Buwelta ni Pokwang sa panlalait ng netizen (published as is): “maka cheap na version of comedy ka naman... HUY!!!! kaya mo ba ginagawa namin potah ka???

"basahin mo mabuti sinabi kobwag kang tanga! Merry christmas ulol!!!”

Kasunod nito, may isa pang netizen na sumang-ayon na kailangan daw itaas ang antas ng komedya sa bansa.

Continue reading below ↓

Naniniwala ang netizen na kailangang maging informative ang comedy at itaas ang kasalukuyang comedy genre na binansagan niyang “maka-masa.”

Hindi nagpatinag si Pokwang sa puna ng netizen.

Buwelta niya: “sige nga educate me, enlighten me kung ano para sa inyo ngayon ang basehan ng mataas na uri ng comedy?

"baka mairekomenda ko kayo sa network bilang writer at creative director, kailangan nila ngayon yan.”

Continue reading below ↓

Sumagot uli ang netizen. Binanggit niya ang klase ng pagpapatawang idinadamay ang mga may kondisyon sa pag-iisip, estado sa buhay, may kapansanan, at pisikal na kaanyuan.

Tweet ng netizen: “Hindi po ako writer, pero pwede kong i-suggest na HUWAG gawing katatawanan ang mga sumusunod: -kulang o higit ang talino -kulang o higit ang yaman -may kapansanan sa isip o katawan -iba ang kulay ng balat o punto ng pagsasalita”

Sabi naman Pokwang, hindi siya guilty sa akusasyon sa kanya ng netizen.

“Hindi po ako ganyan mag joke sorry... mukhang di monpa ako napapanood kaloka ka!”

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang asks netizens who belittle comedians like her: "Kaya mo ba ginagawa namin?"
PHOTO/S: @pornstat_roviel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results