Angeline Quinto bashed for defending Regine Velasquez in issue with Sarah Geronimo fans

by Bernie V. Franco
Dec 20, 2019
Angeline Quinto (left) gets bashed for siding with idol Regine Velasquez amid the Asia's Songbird's issue with Sarah Geronimo fans.
PHOTO/S: @loveangelinequinto on Instagram

Hindi nakapagtimpi si Angeline Quinto dahil sa sunud-sunod na pamba-bash sa kanya kaugnay ng pagtatanggol sa idolo niyang si Regine Velasquez.

May kinalaman ito sa akusasyong credit-grabbing ng ilang fans ni Sarah Geronimo, ang Popsters, laban sa Asia's Songbird kasunod ng mabilis na pagkabenta ng tickets para sa upcoming concert nilang Unified.

Nang pumutok sa social media ang akusasyon ng Popsters laban kay Regine, may isang netizen na binalikan ang naging isyu noon ni Angeline sa mga tagasuporta ni Sarah.

Noong May 2018, naiulat ang tungkol sa video kung saan pinagtawanan umano nina Angeline at Morissette Amon si Sarah.

Bunsod nito, na-bash ng Popsters si Angeline.

Itinanggi ni Angeline ang bintang na ito at naghamon pang ilabas ang video, pero walang lumabas.

Tweet ng Kapamilya singer tungkol sa dating isyu, “Tapos na yun. Palagi lang tayo dun sa tama. Yung walang masasaktan. Ayos? [heart emojis]”

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

ANGELINE ENGAGES IN TWITTER WAR VS BASHERS

Pero hindi rito nagtapos ang isyu.

Nitong Miyerkules, December 18, ipinagtanggol ni Angeline si Regine bilang isang singer na may napatunayan na.

Makahulugang tweet ni Angeline: “Hindi pa yata ako pinapanganak ilang beses ng napuno ni Ms.Reg ang araneta. Sa pagkakaalala ko [heart emojis] Di nga lang ako nakanood kahit isa kasi nga walang pera [laughing emojis]”

Continue reading below ↓

Inulan naman ng pambabatikos mula sa fans ni Sarah ang komentong ito ni Angeline.

May ilang nagsabing hindi na lang sana siya nagkomento para hindi na lumala pa ang bangayan ng fans nina Sarah at Regine.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Pero nanindigan si Angeline.

Bilang isang avid fan ni Regine, may karapatan daw siyang ipagtanggol ang idolo at ginagawa lang niya ang sa kanyang tingin ay tama.

Base sa kanyang sagot ay tila inakusahan pang fake news ang tweet niyang sold out ang mga concert noon ni Regine.

Sagot ni Angeline: “Hindi naman Fake News ang Nai-tweet ko. Galit na galit kayo.

“Alam na alam ko ang pakiramdam ng isang Fan. Dahil hanggang ngayon Fan ako.

“Pero dun tayo sa Tama!

“Naging biktima ako ng Fake News na yan!

“Magsalita ng kahit ano tungkol sa akin? Masasakit? Sanay na ako! [laughing emoji]”

Continue reading below ↓

Nilinaw rin ni Angeline wala siyang isyu kay Sarah.

Base rin sa mga sagot ni Angeline ay na-bash at inakusahan siyang hindi sikat.

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Angeline, hindi lahat ay nasusukat sa kasikatan.

“Alam niyo Labs, HINDI importante sa akin ang kasikatan. Mapalad na ako may sapat akong pera na kinikita para sa Pamilya ko. Masaya http://kami.at higit sa lahat ang makakanta ako para sa mga taong gusto at mahal ako. Kontento at sapat na. Labyuuu Bashers. Sobra [heart emojis]”

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng Twitter ay nag-react na rin si Regine at kapatid nitong si Cacai Mitra tungkol sa isyu.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto (left) gets bashed for siding with idol Regine Velasquez amid the Asia's Songbird's issue with Sarah Geronimo fans.
PHOTO/S: @loveangelinequinto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results